Love Refill
KABANATA 1
“H-HINDI ko sinasadya. Hindi ko alam, Pumpkin. Pakinggan mo muna ako,” he told me as he hugged me from the back. Marahas kong ikinalas ang kaniyang mga kamay pagkatapos ay itinulak ko siya papalayo.
“Bakit?” Nag-uunahang tumulo ang aking mga luha ngunit pinilit ko pa ring maging mahinahon sa harap niya kahit nagsisimula ng gumuho ang mundo na binuo naming dalawa.
“Bakit?”pag-uulit ko. Mas tumaas ang timbre ng aking boses at nang tangkain niyang lumapit siya sa akin ay itinulak ko siya papalayo.
“Natukso ka? Hindi mo sinasadya?” I chuckled in sarcasm. “Putang ina, Ryu. Nambabae ka.” Tumulo na ng tuluyan ang aking mga luha na kaagad ko rin namang pinahid.
“No, hindi ako nambabae. Wala akong iba, ikaw lang,” sagot niya sa akin kaya lumakas ng kaunti ang pagtawa ko na sinundan ng aking pag-iling.
“Tuwang-tuwa sila sa'yo, Ryu. Bilib na bilib sa ating dalawa, pero ano'ng ginawa mo?” I grunted as my eyes squinted in anger. Nawalan ako ng emosyon at ang tangi ko lang na nadarama ay galit at pagkapoot sa lalaking nasa harapan ko.
Unti-unti akong nilamon ng insecurities. Napatanga ako at napatanong, bakit niya nagawa sa akin iyon? Naging mabuting girlfriend ako, iniintindi ko naman siya palagi. Hindi ako nagmamaktol sa tuwing hindi niya masasagot ang tawag ko, hindi rin naman ako nagtatampo sa tuwing mawawalan siya ng oras sa akin.
“Dahil ba hindi ko maibigay-bigay sa'yo ang sarili ko?” bigla kong tanong na nagpasindak sa kaniya. He became statue on his position as he couldn't blink his eyes, that's why I concluded that I was right.
Totoo nga. Kaya siya naghanap ng iba ay dahil hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari sa aming dalawa.
“I told you, we'll do it after we get married. Ryu, ang sabi mo, okay lang at makapaghihintay ka pero ibinasura mo ako. Ibinasura mo 'yong anim na taon nating dalawa.” Lalong naningkit ang aking mga mata kasunod nang mga panunumbat ko sa kaniya.
My heart was breaking and I thought this was the only thing I could do to ease my pain. Para maalis ang sakit sa dibdib ko, kailangan ko rin siyang saktan pabalik.
“No, hindi ka basura para sa akin. I love you. Please, babawi ako. Hindi na mauulit iyon.” Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa kaniyang pisngi habang inaabot niya ang aking kamay. Ramdam ko ang pagsisisi sa kaniyang boses pati na rin sa kaniyang ekspresyon, ngunit hindi ko na kayang maniwala. Niloko niya ako, ipinagpalit niya ako sa iba. Lolokohin niya lang ulit ako.
“Pumpkin,” he called me, but I didn't pay attention to him.
“Leave. I don't wanna see you ever again.” Pinilit kong maging mahinahon nang sabihin ko ang katagang dumudurog sa akin. Tinalikuran ko na siya at humakbang na papalayo ngunit napatigil ako nang nagawa niyang higitin ang aking pala-pulsuhan.
“Mahal kita. Mahal na mahal,” he exclaimed as memories of our past suddenly crossed in my mind.
Nagsimula bumaha ng luha nang unti-unting nanumbalik sa akin ang lahat, simula noong una kaming naging malapit sa isa't isa hanggang sa magtapat siya at pangarapin naming sabay kaming tatanda.
“Zemira,” biglang tawag ng isang lalaking nasa likuran ko. Nang lumingon ako upang tingnan kung sino siya ay nakita ko si Dela Riva, ang best friend ni Vallejo. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at nang natuod siya sa kaniyang pwesto ay muli akong nagpatuloy sa paglalakad.
“Nakita mo ba si Adi?” bigla niyang tanong kaya napatigil ako. Mabilis naman siyang lumapit sa aking tabi, tila hinihintay ang aking sagot.
Nakamot ko na lamang ang aking ulo dahil sa tuwing makikita niya na ako ay si Adi ang hinahanap niya. Mukha ba akong hanapan ng nawawalang kaibigan?
“Maybe she's following your friend again,” seryoso kong pahayag pagkatapos ay naglakad na muli. Hindi ko na siya pinansin kahit na may sinasabi pa siya sa akin.
I just put earphones on my ears, listening to hard rock songs, my favorite. Ang hindi ko lang naintindihan ay ang pagsabay niya sa akin sa paglalakad na parang close kaming dalawa kaya tinanggal ko ang isang earphone sa aking tainga at humarap sa kaniya.
“May kailangan ka pa?” I coldly asked befofe I raised my eyebrow.
Magpapasama na naman ba siya na hanapin si Adi? Well, hindi na mauulit iyon. Naaawa lang ako sa kaniya sa tuwing makikita kong hinahabol ni Adi ang Vallejo na iyon. Love is really blind. Sunod ng sunod si Adi kay Zadkiel, heto naman si Kiryu na mukhang may pagtingin sa kaniya.
“P-pauwi na rin ako, sabay na tayo,” salaysay niya habang nakangiti, para tuloy siyang nakapikit dahil singkit ang kaniyang mga mata. Napatingin naman ako sa sukbit niyang bag pagkatapos ay napatango na lamang.
“Balita ko nahihirapan daw kayo ni Adi sa Math? I can teach you for free, kinakapatid naman kita,” he told me, that's why I wrinkled my forehead. Saan niya naman nakuha ang balita na iyon?
“Isama na rin natin si Adi, kung gusto mo,” dugtong niya kaya napangisi ako. Kaya naman pala, may binabalak naman pala siya. Gusto niya ulit na magpatulong na mapalapit kay Adi, isasangkalan niya pa ang pagre-review naming sa Math.
“Gustong-gusto mo ba talaga ang kaibigan ko?” pranka kong tanong bago inalis ang earphone sa tainga ko. Itinabi ko ito at itinago sa aking bulsa bago ko siya hinarap.
“H-ha? Paano mo naman nasabi na gusto ko si Adi?” nauutal niyang tanong, tila matutumba rin siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi siya makapaniwalang nalaman ko ang pinakaiingat-ingatan niyang sikreto.
“Siya ang palagi mong bukambibig, Dela Riva,” I answered before my smirked grew bigger. Nilapitan ko siya at pinagpag ang kaniyang kwelyo nang maisip kong biruin siya.
“I thought you're a good friend. May plano ka pa lang agawin siya kay Vallejo?” I asked but he didn't answer. Mukha siyang tensyonado dahil hindi siya makagalaw sa kaniyang pwesto.
“Don't worry, gusto mo tulungan pa kita kay Adi,” mabilis kong pahayag kaya nanlaki ang kaniyang mga singkit na mata at umawang din ang kaniyang mga labi. I concluded that he was just shocked. Kitang-kita sa kaniyang mga mata na masaya siyang may tutulong na sa kaniya.
“Tutulungan kita kung ititikom mo iyang bibig mo,” I commented as I pointed his mouth. Kaagad niya namang itinikom ang kaniyang bibig at tinakpan ito ng kaniyang kanang kamay.
“Tomorrow at my house. Magpapaturo kami ni Adi sa Math,” I announced before I waved my hands, leaving him dumbfounded.
Simula noon ay palagi na kaming magkasama upang planuhin ang panliligaw niya kay Adi. Ang kaso nga lang ay walang kamuwang-muwang ang kaibigan ko, sunod pa rin ng sunod kay Zadkiel na iwas naman ng iwas sa kaniya. Isa pa itong si Dela Riva, parang napipilitan lang pinagagagawa namin.
Nakakatamad na tuloy, parang ako pa yata ang susuko sa kanilang tatlo.
“Zemira,” tawag niya sa pangalan ko matapos niyang batiin si daddy na nasa tapat ng pinto ng bahay namin.
May pinag-usapan sila ng aking ama at mukhang seryoso ito kaya kumunot ang aking noo. Mukhang may lakad siya at may dala pa siyang boquet of black roses.
Natuptop ko na lamang ang aking noo. Kung inaakala niyang sasamahan ko siya para manligaw sa mansion ng mga Castañanez ay nagkakamali siya dahil mahal ko pa ang buhay ko.
“Inquiries about Adi?” tanong ko nang salubungin ko siya. My eyes traveled on the boquet of flowers that he was holding, making me prayed that my assumption wasn't real. I won't join him in torture against Adi's tyrant uncles.
“Kung bibigyan mo ng bulaklak ang kaibigan ko, piliin mo ang kulay pula, iyon ang favorite niya,” I adviced as I glanced on those black roses. “Saka kung magpapasama ka sa mga Castañanez, sorry, marami pa akong pangarap sa buhay.
“Ayaw ko nang magpanggap, Zemira. Ikaw naman talaga ang gusto ko. Isinangkalan ko lang si Adi para mapalapit sa'yo. This black roses is for you, because I-I love you. I love you, Zemira Leigh.” He gave the flowers to me as he confessed his feelings.
Biglang nagkaroon ng karerahan sa aking dibdib, hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari dahil ngayon lang ito tumibok ng ganoong kabilis.
“You'll just waste your time on the love thingy, Ryu. I can only offer you friendship, nothing more, nothing less,” I exclaimed to reject him. Nasaksihan ko ang panlulumo ng kaniyang itsura na kahit ako ay naapektuhan.
I wasn’t born for love. Maraming naiinis sa akin dahil hindi nila matagalan ang ugali kong may pagka-perfectionist daw. Mataas ang standards ko, ang mga gusto ko ay mga lalaking nababasa ko sa libro. Wala naman niyon sa totoong buhay kaya nagdesisyon akong huwag na lang mag-asawa. My decision is final and nobody could break it, not even him.
“T-then, we can be friends for now,” nakatungo niyang saad pagkatapos ay tumunghay siya upang hulihin ang aking mga mata. “But. . . I'll never give up, pumpkin,” he said before he winked and smiled at me.
“Pumpkin?” I questioned as I glowered at him. Iyon ang tawag niya sa akin?
“You're my pumpkin,” he replied as he excitedly handed me the flowers. Mukhang nag-aalangan siya noong una ngunit noong tinanggap ko ang bulaklak ay napatawa siya ng mahina.
“I hate pumpkins. Hindi ako kumakain ng kalabasa.”
“You'll love it, Zemira. You'll love me, too.”
Namumula ang kaniyang magkabilang pisngi, sa mga mata ko'y hindi siya grade 12 student. Mukha siyang bata na nagpapapansin sa crush niya kaya napangiti ako.
“Hindi mo talaga gusto si Adi?” paniniguro ko kaya napangiwi siya.
“Mapapatay ako ni Kiel kapag ginawa ko iyon. Saka ikaw talaga ang gusto ko.” Napairap ako ng matalim nang bigla na lang siyang kinilig, hindi niya na mapigilan ang paglapad ng ngiti na gumuguhit sa kaniyang mga labi.
We stayed as friends for two years. Nang makatuntong ako ng first year college ay roon niya lang ako muling tinanong kung pwede na siyang manligaw. Pumayag naman ako dahil nagugustuhan ko na rin siya ng kaunting-kaunti lang naman.
Wala pa siyang isang buwan na nanliligaw ay sinagot ko siya, wala pa sa plano ko iyon pero mandurugas siya. Sinabi niyang may malala siyang sakit at malapit na siyang mamatay kaya napa-oo ako ng wala sa oras.
“Liar. I thought you're dying,” I scorned but he just grinned before he held my hands.
“Gusto mo ba iyon? Maaga kang mawawalan ng gwapong boyfriend, maaga kang mawawalan ng Ryu,” paglalambing niya kaya tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
“Mahal kita. Daisuki desu, pumpkin,” he confessed. “Pangako, mabubuhay ako ng matagal para sa'yo,” he added before he kissed my cheek, making me smiled a little.
SIMULA
“WHEN will you two grow up?” I asked irritably when I saw two of my friends, throwing cushions at each other for the nth time and when I stopped them, they both looked at me like I was a grim reaper who was pulling their neck using a scythe.
“Kill joy talaga,” komento ni Cyllene na may halong pagrereklamo bago nila kunwaring inaayos ang cushions sa couch. Napangisi na lamang ako at umirap sa hangin, pinipigilan kong huwag matawa dahil sa pagkukunwari nilang pagkuha ng mga balat ng sitsirya na nagkalat sa sahig.
We were always like this. Silang dalawa ang malimit na maglaro at kapag nangyari iyon ay nagiging instant magulang ako upang sawayin sila. Madalas kaming magkakaibigan na nandito sa bahay ko, naging tambayan na nila sa tuwing wala silang magawa sa mga buhay nila.
“Zem, nasaan na 'yung niluluto mong hotdog? Tamang-tama sa panonoorin natin, pampainit sa gabing malamig,” aniya habang pinauulanan ako ng makahulugang tingin kaya napangiwi na lamang ako.
Mukhang may pinaplano na naman siyang magpapadumi ng utak naming lahat. Kung si Adi ay naimpluwesyahan niya sa panonood ng porno, ibahin niya ako.
“Ikaw ang nakaisip, ikaw ang magluto,” I told her with sarcasm as I sit between the two of them. Ayaw ko ng magulo kaya kailangan ko silang paghiwalayin ni Masien.
“Napakahirap mo talagang kausap. Walang duda, kaya kami lang ang nagtitiyaga sa'yo,” Cyllene exclaimed but I wasn't bothered. Paborito niya namang linya sa akin iyan kapag hindi ko siya ipinagluluto ng pagkain na gusto niya.
“Pare, nalimutan mo si pareng Ryu. Ang tagal na niyon na nagtityaga rito,” sabad ni Masien na ngayon habang tuwid na tuwid ang hintuturo na nakaturo sa akin. Napangiti naman ako ng lihim nang mabanggit ang pangalan ng lalaking minamahal ko.
Kung mayroon akong ipagmamalaki sa buhay ko, iyon ay Ryu at ang mga kaibigan ko. Ilag sa akin ang mga tao dahil sa ugali kong perfectionist daw. Hindi ko rin gusto na pinaglilihiman ako, lalo na ng nilolo ko ako. I didn’t give second or third chance, because I strongly believed that when a person loves you, he or she would never break your heart.
“Kumusta na nga pala iyon? Last year pa iyon hindi umuuwi ng Pilipinas,” si Cyllene na naging seryoso dahil nawawala pala flashdrive niyang may laman na kababalaghan.
“He's busy,” tipid kong sagot bago nagkibit-balikat.
Naiintidihan ko kung bakit ganoon na lang siya katutok sa trabaho, para naman iyon sa future ng bubuoin naming pamilya. Hindi naman ako 'yong tipo ng girlfriend na magmamaktol at magpapasuyo kung wala naman siyang ginagawang hindi maganda.
“Wala talaga tayong mapapala rito kay Zemira Leigh. Paano nga ba tayo naging magkaibigan?” Cyllene asked as her eyes travelled between Masien and I, however we just ignored her like we didn't hear her question.
We all became friends because of Mirela Adeena Castañanez who was currently staying in Liazarde. Magkaklase kami noong high school, siya ang una kong naging kaibigan. Hindi siya tumigil sa kakakulit sa akin hanggang sa naging lima na kami sa grupo.
“Uuwi pa ba si Ryu? Baka naman nangaliwa na iyon sa Japan?” nanunuksong tanong ni Cyllene nang makita niya na ang kanina niya pa hinahanap.
Itinaas niya pa ang kaniyang kanang kamay habang hawak ang puting flashdrive pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo papunta sa harapan ng TV. Matalim naman akong umirap kasunod ng aking pag-ismid.
“Maraming manlolokong lalaki, but not my Ryu,” I muttered proudly because never got suspicious of him. May sumilay naman na ngiti sa aking mga labi. I lifted up my chin as confidence exploded in my chest.
Kiryu Hensen Dela Riva will never ever cheat on me. We've been in a relationship for six long years but he's not doing anything that would break my trust. He's faithful and he wasn’t getting tired of proving it every day.
“Kailan kaya ako makakahanap ng mala-Ryu, ano? Kahit na busy at kahit malayo kami sa isa't-isa, hahanap pa rin ng oras para sa akin. He's really ideal,” si Cyllene na biglang kumambyo at napatulala sa hangin, tila ini-imagine ang itsura ng lalaking para sa kaniya.
My Ryu, he's my only one. I was praying that they would also find the right man for them. 'Yong lalaki na sa iisang babae lang nakatingin, 'yong hindi kayang magloko.
“How about Vallejo? Faithful kaya iyon?” wala sa sariling tanong ng aking kaibigan kaya napamulagat kami ni Masien. Biglang itinikom ni Cyllene ang kaniyang bibig, tila may nasabi siyang hindi maganda.
“Si Zadkiel ba? Isusumbong kita kay Adi, pare,” pananakot ni Masien habang iwinawagayway ang kaniyang hintuturo. Sumimangot naman kaagad siya at nilakasan na lang ang volume ng porn movie na panonoorin niya.
Zadkiel was Adi's first love, first heartbreak. Hindi na naman daw kami dapat mag-alala dahil nakalimutan niya na ang lalaking iyon.
“Hindi 'yong gago na iyon. 'Yong kuya niya, si Kuya Deimos,” giit ni Cyllene na hawak ang remote control ng TV pagkatapos ay umupo ulit siya sa tabi namin ni Masien.
“Why? Is he courting you?” tanong ko habang nakakunot ang noo. Nagkatinginan kami ni Masien ng ilang sandali pagkatapos ay sabay kaming bumaling kay Cyllene na hindi maipinta ang mukha.
“No! I mean, he's aloof but I always see him helping women. Curious lang ako at saka, no to Vallejos. Mapanakit,” dipensa niya habang umiiling nang bigla na lang may lalaking pumasok sa bahay ko kaya doon napunta ang atensyon naming tatlo.
“Pareng Ryu!” pagulat na bati ni Masien bago sila nag-apir at nag-fist bomb. May dala siyang boquet of flowers na kulay itim kaya nang magtama ang aming paningin ay hindi niya napigilan ang pagngiti.
He really knows my favorite!
He was wearing pink long sleeve polo, folded above his elbow. His hair was neat and clean, he looked so handsome after his chinky eyes went partly close as his smile went wider. Ang pagka-chinito niya talaga ang isa sa naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya.
“Bakit ka umuwi?” panimula kong tanong kaya lumukot ang mukha ng aking mga kaibigan. Sinabi pang pagpasensyahan na lang ako ni Ryu.
“Really, Zem? Bakit umuwi si Ryu?” sunod-sunod na tanong ni Cyllene nang bigla na lang dumaing ng malakas ang babae sa pinapanood niya sa TV.
“Putragis! Patayin nga mo iyan, pare!” saway ni Masien kay Cyllene at nagmamadali pa silang dalawa na hanapin ang remote na nawawala pa yata. Nginitian naman nilang dalawa si Ryu na sanay na sa kanilang dalawa.
Hindi na bago sa kaniya na makakita nang ganoon dahil hindi na ito ang unang beses. Kilala niya na ang mga kaibigan ko, lalo na ang pagiging marumi ng isip ni Cyllene.
“Hindi ka nagpasabi,” giit ko nang lumapit ako sa kaniya. Kaagad niyang ibinigay ang bulaklak sa akin pagkatapos ay ginawaran ako ng masuyong halik sa labi.
“S-surprise,” he stated then he winked at me. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig pagkatapos ay muli niyang pinapak ang aking labi.
Naghiwalay lang kaming dalawa nang marinig namin ang side comments ng aking mga kaibigan. Nagpaalam na din sila para raw magkaroon kami ni Ryu ng oras para sa isa't isa.
“I thought you're busy,” I commented after my friends barged out of my house. Hindi naman siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya.
I felt something was bothering him as his expression showed anxiousness. Parang may mali, pero hindi ko matukoy kung ano.
“Pumpkin, I missed you. Payakap ulit,” panlalambing niya bago dumipa sa aking harapan upang humiling ng yakap mula sa akin.
I could tell that he was exhausted and that he was stressed. Mula sa kaniyang pagbuntong hininga pati na rin sa pangingitim ng ilalim ng kaniyang mga mata ay masasabi kong may hindi maganda ang pakiramdam niya.
Nilukob ng awa ang aking dibdib kaya mabilis akong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng mahigpit na mahigpit na yakap. Hinalikan ko rin ang kaniyang magkabilang pisngi na nakapagpangiti sa kaniya.
“I missed you, too.” Isinubsob ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib at dinama ang init na nagmumula sa kaniya. I missed his cuddles and I missed this kind of warmth that only he could give me.
“I-I am sorry,” he suddenly exclaimed as his hug became tighter. Lalo niya akong hinigit papalapit sa kaniya bago niya ibinaon sa aking leeg ang kaniyang ulo.
“For what?” The bell of nervousness knocked on my chest as I held my breath. Sinubukan kong tingnan siya ngunit lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
“Nothing. Naisip ko lang na mag-sorry. Wala na akong oras sa'yo.” Nararamdaman kong may itinatago siya. I knew he was hiding something but he kept on denying it. Palalampasin ko na sana iyon nang bigla kong marinig ang mahihina niyang pagsinghot.
“Ryu, what is it? Ilang taon na tayo, alam na alam ko kapag may itinatago ka sa akin.” Bigla na lang siyang lumuhod sa aking harapan, yakap-yakap ang aking baywang. Naguguluhan akong nakatitig sa kaniya nang masaksihan ko kung paano naglandas ang luha sa kaniyang mga pinsgi.
“What are you doing?” I asked then I pulled him up, however he just stayed kneeling on the floor. Lumalakas ang mga pagkatok ng pag-aalala sa aking dibdib habang pinagmamasdan ko siya.
Kumikirot ang puso ko, naaawa at nahahabag kahit na hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya.
“I-I am sorry, pumpkin. H-hindi ko sinasadya,” he stuttered as he lifted his head, then he tried to catch my eyes. Umiiling siya, kitang-kita ko ang pagsisisi sa kaniyang mukha.
“Ryu, tumayo ka diyan. Ano ang hindi mo sinasadya?” pag-usisa ko kahit na unti-unti nang kinakain ng takot ang puso ko. Nangangatal ang aking mga labi, nagbabadya na rin ang maiinit na likido sa gilid ng aking mga mata.
“Ryu, sabihin mo sa akin na mali ang nasa isip ko,” pagsusumamo ko ngunit lalo lang niyang kimupirma kutob ko nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. Patuloy lang siya sa paghingi ng tawad habang nakayap sa aking baywang.
“P-pumpkin, I-I'm sorry. I was drunk and I thought she was you,” he confessed, making my shoulders fell on the ground. I was stunned by his statements as my heart skipped beating.
Unti-unting tumakas ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ko siyang lumuhod at magsumamo sa aking harapan. Nanunuot ang sakit sa aking buto at kalamnan, hindi ko magawang gumalaw sa aking kinatatayuan at naninikip ang aking dibdib. Sana panaginip lang ang lahat ng ito.
“Pumpkin, please forgive me,” he whispered before he stood up, crying like there was no tomorrow for us.
![]() |
| Love Refill |


Hi.. Nakita ko lang this blogspot of yours matagal ka naba nagawa ng ganito?
TumugonBurahinYes po
TumugonBurahin