RAYMOND, ano ba? Hindi ka ba titigil sa pag-inom? Maawa ka naman sa sarili mo, galit na makaawa ni Jelly sa
supposedly brother-in-law niya nang lasing na naman itong dumating ng bahay.
"Pwede ba pabayaan mo na ako. Hindi na ako bata," singhal nito sa kanya.
"Pabayaan? Tingnan mo nga ang hitsura mo, mabilis niya itong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Sinisira mo ang
buhay mo. Inaaksaya mo ang pera at oras mo sa mga walang kwentang bagay," wika niya rito.
"Matagal nang sira ang buhay ko," mabilis na sagot nito. "Matagal nang nawalan nang saysay ang buhay ko," anito sabay
diin ang hintuturo sa sariling dibdib. Ramdam niya ang sakit na dinadala nito sa dibdib at nasasaktan din siya para dito. "Matagal nang patay si Krizel. Palayain
mo na ang sarili mo," nagmamakaawang wika niya rito.
"Nasasabi mo iyan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko.
"Bakit, ikaw lang ba ang nawalan? Nawalan din naman ako, ah. Kami. Nawalan din ako ng kapatid, Raymond, Kaya wala kang karapatang isumbat sa akin ang sakit na nararamdaman mo dahil pare-pereho tayong nawalan ng mahal sa buhay." sumbat niya.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa kalimutan ang kapatid mo," pahayag nito, straightly on her face, bago ito
umakyat sa kwarto nito. Tuluyan na siyang napaiyak.
Raymond was her bestfriend and her sisters fiancé. Mula pa noon, may lihim na pagtingin na siya rito, subalit bilang nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. Mula nang ipakilala niya rito ang nakatatandang kapatid na si Krizel, nawalan na siya ng papel sa buhay ng binata. Krizel played her every role in Raymond life. Bagay na sobrang nakasakit sa damdamin niya. Subalit sa kabila ng pangbabalewala ni Raymond sa kanya, nanatili pa rin siyang tapat at mabuting kaibigan para dito. Wala siyang balak hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa. Masaya na siyang makitang masaya ang lalaking mahal niya.
Isang trahedya ang hindi nila inaasahan at siyang nagpabago ng mga buhay nila. Naaksidente ang kotseng sinasakyan ni Krizel sa mismong araw ng kasal nito habang papunta na ito sa simbahan. Kasunod lang nito ang sinasakyan din niyang kotse. Iyon na yata ang pinakamadilim na araw para kay Raymond pero hindi sa kanya. Pakiramdam kasi niyay ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang pagpapakasal ng lalaking iniibig sa iba. Subalit hindi niya hiniling na magiging ganoon kalupit ang sasapitin ng kanyang nag-iisang kapatid.
Ilang araw pagkatapos ilibing si Krizel, lumipad patungong Amerika ang mga magulang niya. Nagpasya naman siyang magpaiwan upang alagaan at damayan ang bestfriend niya. Naintindihan naman siya ng mga ito kaya hinayaan na lamang siya. Mabuti na lang din at hindi nagpasyang lumipat ng tirahan si Raymond kaya sa iisang bahay lang sila nakatira.
Ang akala niyay magiging madali para sa kanya ang mapalapit muli kay Raymond dahil wala na si Krizel, ngunit mas
mahirap pa pala ito kaysa noong nabubuhay pa ang kapatid niya. At least noon, nakakalapit pa siya sa binata at
Nakakapagkwentuhan pa sila. Ngayoy halos ayaw siya nitong makita.
PABABA na si Raymond ng hagdanan nang maulinigang may nagsasalita sa loob ng kwarto ni Jelly. Dala ng kuryosidad, maingat siyang humakbang paatras at huminto sa tapat ng kwarto nito. Lihim siyang sumilip sa bahagyang nakabukas na pinto. Nakita niya si Jelly na nakaupo sa dulo ng kama at nakatagilid sa kanya. Hawak nito ang isang picture frame habang kinakausap ito.
"Ang swerte mo, Krizel...
Noon niya napagtantong kay Krizel ang larawang iyon. Ewan niya at hindi pa gustong gumalaw ng mga paa niya at nanatili pa rin siya roon upang makinig sa iba pang sasabihin ng dalaga sa larawan ng kanyang kasintahan.
*Patay ka na nga, mahal ka pa rin niya. Napakadamot mo naman. Inagaw mo na nga ang lalaking mahal ko, inagaw mo pa ang bestfriend ko. Ni hindi mo ako tinirhan. Sana man lang, hinayaan mo siyang tratuhin at mahalin ako bilang bestfriend niya. Hindi ang ganito. Parang wala akong silbi sa kanya. Eh, ako naman ang nauna sa buhay niya kesa sa iyo. Sumingit ka lang, alam mo ba iyon? Sumingit ka lang. Tapos biglang pinalitan mo na ako. Ang sama mo. Ang sama-sama mo!"
Maya-mayay humahagugol na ito ng iyak.
Umalis na siya pagkatapos marinig ang lahat ng iyon. Dumiretso na naman siya sa paborito niyang har at pinagkasya ang sarili sa pag-inom ng alak nang mag-isa. Sa bawat pagtungga niyay mukha ni Jelly ang sumasagi sa isip niya. Bigla ay
parang nag-flashback sa kanya ang mga masasayang araw nila noon ng bestfriend niya.
Jelly was a transferee from Baguio when they were in first year high school. Magkapit-bahay lang din sila kaya madaling nagkapalagayan ang kanilang mga loob sa isat isa. Jelly was like a little sister he never had. Napakabait nito sa kanya Sobrang sweet, maalaga at laging nagpapangiti sa kanya. Minsan nga lang, masyado itong pakialamera lalo na kapag gumagawa siya ng mga kalokohan. Lagi siya nitong pinagagalitan at sinusumbong sa parents niya. Gayunpaman, ito rin ang unang unang dumadamay at nagtatanggol sa kanya sa mga panahong kailangan niya ito. Kaya naman, mahal na mahal niya ito....more than just a friend. Oo, minahal na niya noon ang bestfriend niya. Kaya lang, inisip niyang hindi siya ang lalaking karapatdapat para sa dalaga. She deserved someone way better than him. Isang lalaking magmamahal nang totoo at mag-aalaga rito. Isang lalaking tunay na karapatdapat sa isang anghel na katulad nito..at hindi siya ang lalaking iyon!
Nakakadalawang bote pa lang siya, nawalan na siya ng gana. Hindi na niya tinapos ang tatlong natitira. Binayaran na niya ang in-order at umalis agad sa lugar na iyon. Dumiretso siya nang uwi.
Agad binuksan ng gwardiya ang gate nang makilala ang busina ng kanyang kotse. Ipinasok na niya ang kotse sa garahe at pumasok sa loob ng bahay.
Naabutan niya si Doray na naghahanda ng hapunan.
"Magandang gabi po, Sir," bati nito sa kanya.
"Magandang gabi naman. Ang Maam Jelly mo?" aniya.
"Hindi pa po bumababa simula kaninang tanghali," sagot nito.
Dumiretso siya sa taas para puntahan ito. Kumatok siya sa nooy nakalock nang pinto ni Jelly.
"Jelly, si Raymond ito," wika niya.
Bahagya lang nitong binuksan ang pinto. "May kailangan ka?" nakangiting tanong nito sa kanya.
Nagtaka naman siya sa kakaibang tuwang nakita niya sa mga mata nito. "Ka-kakain na raw sabi ni Aling Doray, nag aalangang sagot niya.
"Himala! Hindi ka yata lasing ngayon?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
Hindi niya alam kung anong isasagot dito kaya hindi na lamang niya iyon pinansin. "Bumaba ka na para sabay na tayong
kumain, naasiwang wika niya rito.
"Okay. Halika na, masiglang sagot nito na agad lumabas at isinara ang pinto. Maya-mayay
kumapit ito sa braso niya
Nailang naman siya sa ginawa nito pero hindi niya inalis ang kamay nito.
Hindi pa rin natigil sa pagtataka si Raymond hanggang sa matapos sila sa pagkain at umakyat na para magpahinga.
"May sakit ka ba? Baf parang ang saya-saya mo ngayon?" tanong niya sa dalaga.
"Kelangan ko pa bang magkasakit para sumaya?" balik-tanong nito sa kanya.
"Hindi naman sa ganoon... Lihim siyang napabuntong-hininga. "I just miss your smile," bulong niya sa sarili. "Sawa na kasi akong umiyak" mahinang sagot nito bago pumasok sa sariling kwarto.
Napatitig siya rito ngunit pinto na lang ang kanyang kaharap, llang saglit din siyang tulala roon bago pumasok sa kanyang kwarto. Humiga siya sa kanyang kama at nakatitig sa kawalan. Sinubukan niyang matulog pero hindi pa siya dalawin ng antok. Hindi siya mapakali. Pinilit niyang makatulog hanggang sa makaidlip siya.
Bigla siyang nagising nang makarinig siya ng ingay mula sa kwarto ni Jelly. Agad siyang napabangon at dali-daling tinungo ang silid nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kalakas ang kabog ng kanyang
dibdib. Sobrang
kinakabahan siya.
kinakabahan siya.
"Jelly! Jelly, okay ka lang?" tanong niya habang marahas na kumatok sa labas ng pinto. "Jelly! Buksan mo ang pinto. Ano
ha'ng nangyayari diyan?"
Walang sumasagot mula sa loob.
"Doray! Doray!" malakas na tawag niya sa katulong.
Nagmamadali naman itong umakyat. "Bakit po, Sir?"
"Ang susi sa kwarto ni Jelly, kunin mo dali!
"O-opo," natatarantang sagot nito at agad bumaba.
Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan nang ganoon pero sigurado siyang may hindi magandang nangyayari sa
loob ng kwarto ng dalaga.
"Doray, ano ba? Ang susit" inip na sigaw niya.
"Andito na po," wika ng hinihingal na katulong. Agad niyang kinuha ang susi at binuksan ang kwarto ni Jelly.
"Jelly? Jelly?" Hinanap niya ito sa buong kwarto. Sa wakas ay natagpuan niya ito sa loob ng banyo. "Oh my God! Jelly!" sigaw niya nang makita ang kalunos-lunos na hitsura ng dalaga. Naliligo ito sa sariling dugo sa loob ng bath tub. Agad
niyang kinuha ang tuwalya at binalot iyon sa katawan ng dalaga bago binuhat. "Manang ipahanda mo ang kotse, madali!"
"O-oho!" wika ng matanda at agad bumaba.
"Jelly, what have you done?"
NAGISING si Jelly nang maramdaman ang kamay na humahaplos sa kanyang mukha. Pagdilat niyay mukha ni Raymond ang bumungad sa kanya.
"Jelly! Gising ka na," masayang wika nito sa kanya.
"Nasaan ako?" nalilitong tanong niya.
"Andito ka pa sa ospital."
Ospital? Muli niyang binalikan ang mga huling pangyayaring naalala niya at inisip nang mabuti kung bakit siya napunta
sa ospital. Buhay pa ako?
"Bakit mo pa ako iniligtas? Wala ka namang pakialam sa akin, hindi ba?" may hinanakit na tanong niya.
"Jelly, huwag kang magsalita nang ganyan. Kaibigan mo pa rin naman ako," sagot nito.
"Oh, talaga? Look whos talking?" sarkastikong sagot niya. Hindi ka yata nakainom ngayon?"
"Jelly, tama na.
"Ikaw ang tama na! Tama na, Raymond Tumigil ka na sa pagpapanggap mo."
"Hindi ako nagpapanggap, Jelly. Andito ako dahil nag-aalala ako sa iyo. Inaamin ko malaki ang kasalanan ko sa iyo kaya nga bumabawi ako sa iyo ngayon."
Hindi siya sumagot. Namagitan ang nakakabinging katahimikan sa kanilang dalawa. Maya-mayay siya na ang bumasag
nito.
"Alam ba nina mommy ang nangyari sa akin?" pagkuwa'y tanong niya para ibahin ang usapan.
"Hindi ko pa sila tinatawagan."
"Huwag mo na silang tawagan. Ayokong mag-alala sila sa akin. Besides, buhay pa naman ako."
Mula nang araw na iyon, naging mabait na sa kanya si Raymond. Naging maalaga na ito sa kanya. Hindi ito umaalis sa tabi
niya at hindi rin siya inaalis sa paningin nito. Sa kabila ng tuwang nararamdaman niya dahil parang bumalik na ang bestfriend niya, hindi pa rin niya maiwasang isipin na baka dala lang iyon ng awa at konsensya.
"Magaling na ako. Hindi mo na kailangang gawin iyan," tanggi niya nang subuan siya nito isang umaga nang dalhan siya nito ng pagkain sa kanyang kwarto.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" Malungkot na ibinalik nito ang pagkain sa plato at inilapag ang kutsara sa gilid nito,
"Hindi ako galit sa iyo. Ayoko lang masanay na inaalagaan mo ako," sagot niyang hindi makatingin nang diretso sa mga
mata ng binata.
Itinabi nito ang dalang tray at hinawakan ang kanyang kamay.
"Alam ko masyado kitang nasaktan. Patawarin mo ako, Jelly. Masyado lang akong...."
Napatingin siya sa kanyang kamay na hawak nito. "Naiintindihan ko," aniya at marahang binawi ang kanyang kamay.
Makalipas ang ilang araw, bumalik na ang kanyang sigla. Himala nga talagang maituturing ang pangalawang buhay nat pinagkaloob sa kanya ng Diyos dahil tuluyan nang bumalik ang dating Raymond na bestfriend at lalaking minahal niya.
Isang araw dinala siya nito sa dati nilang tambayan-sa sea wall.
"Bakit mo ako dinala rito?" tanong niya.
"Naalala mo noong mga bata pa tayo, sinabi ko sa iyo na kapag nakilala ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, dadalhin ko siya rito at ipapakilala ko siya sa iyo?"
Bigla siyang kinabahan. "Oo, naalala ko. Pero hindi mo naman dinala rito ang kapatid ko."
Tumitig ito sa kanya. "Dahil iba pala ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay. Oo, minahal ko ang ate mo nang
higit pa sa buhay ko. Pero nakalimutan ko na hindi pala siya ang tunay na nagmamay-ari ng puso ko."
Napatitig din siya rito. "Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan."
"Jelly, mahal kita. Mahal na kita noon pa," pagtatapat nito.
Biglang tinambol ang puso niya. Gusto niyang paniwalaan ang mga sinasabi nito pero nag-aalangan din siya dahil baka sinasabi lang nito iyon dahil natatakot itong baka magpakamatay siya ulit. Obvious naman kasing ito ang dahilan ng pagpapatiwakal niya.
Tumalikod siya rito bago pa tumulo ang kanyang luha. "Raymond, hindi mo kailangang gawin ito. Huwag mong pilitin ang sarili mo. Huwag kang mag-alala, hindi na mauulit ang nangyari sa akin. Bukas na bukas din susunod na ako kina mommy sa Amerika. Hindi mo na ako poproblemahin pa." Pinanatili niyang maging matatag ang boses sa kabila ng labis na emosyong bumabalot sa kanyang puso.
"Jelly, alam kong napakahirap paniwalaan ang sinasabi ko pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa ating dalawa. Pero maniwala ka sa akin. Noong nag-aagaw-buhay ka sa ospital, noong muntik ka nang mawala sa akin, doon ko napagtanto kung gaano kita kamahal. Jelly, patawarin mo ako kung naging duwag ako. Hindi ko nasabi sa iyo ang tunay kong nararamdaman noon..." Naramdaman niya ang paglapit nito at ang pag-ikot ng dalawang kamay nito sa kanyang beywang Marahan siya nitong pinihit paharap. "Jelly, please give me another chance," lumuluhang pagsusumamo nito.
"Raymond..."
"Jelly, mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa akin." Lumuhod na ito sa kanyang harapan.
Damang-dama niya ang katotohanan at senseridad sa bawat katagang binibitiwan ng binata. Hindi na rin niya nakayang magmatigas sa binata. "Mahal din kita, Raymond. Mahal na mahal din kita," umiiyak na sagot niya.
Napatayo ito at niyakap siya nang mahigpit. "Jelly! Mahal na mahal kita. Pangako, magpapakabait na ako. Hindi na kita aawayin. Gagawin ko na lahat ng gusto mo, huwag ka lang mawala sa akin. Hindi ko kaya."
"Hindi ko rin kayang lumayo sa iyo," sagot niya at yumakap din sa binata.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento