Turuang Puso Una
Episode 1
Araw ng kasal ni Chat Montemayor at Cherry Reyes, dumating na lahat ng mga bisita. Nakarating narin ang paring magkakasal. Habang naghihintay si Chat sa kanyang bride-to-be. Kinakabahan siya!
Pakiramdam niya may masamang mangyayari. Isang oras na ang pinaghihintay niya wala parin si Cherry. Lahat ng mga taong dumalo sa kasal ay naiinip narin. Nagbubulungan na ang mga bisita na mukhang hindi daw matutuloy ang kasal. Lumapit narin sina Donya Aida at Donya Irah para itanong kay Chat kung bakit wala pa si Cherry.
"Hijo, nasaan na ba si Cherry?" tanong nito na nasa dibdib ang labis na pag-aalala.
"Hindi ko po alam Lola, kung nasaan na siya!" may pangamba at pag-aalala na tugon ko habang ang mga mata ko'y, nakatingin sa may bungad ng pintuan.
Nanahimik na lang si Donya Aida dahil halata niya sa mukha at kilos ng apo niya ang pag-aalala. Ang bestman niyang si Google Sebastian ang katabi ni Chat at nag-usap ang dalawa.
"Chat, sasabihin ko na ba sa mga tao na walang magaganap na kasalan! Mukhang hindi ka na sisiputin ni Cherry," kunwaring malungkot na tanong nito. At nang hindi ito makahalata, na siya ang dahilan kung bakit hindi sumipot sa kasal si Cherry.
"Ikaw na ang bahala!" galit na tugon ni Chat habang nakatingin sa paligid, nakita niyang may ilan pang bisita nagbubulungan.
Nagtataka siguro bakit hindi siya sinipot ng kanyang bride-to-be. Kaya mabilis siya umalis at dumiretso sa mansion. Pagkarating niya pumasok kaagad sa kanyang kwarto. Bitbit ang isang boteng vodka, doon siya nagkulong at umiiyak.
Habang umiinom ng alak hawak ang isang kopita. Biglang sumigaw ang binata.
"Bakit! bakit mo nagawa sa akin ito?! Bakit mo ako iniwan?" galit na sigaw ni Chat, habang ibinabato lahat ng makita niyang gamit.
Sobrang sakit ang nararamdaman niya, nagtataka siya kung bakit iniwan siya ni Cherry sa araw mismo ng kanilang kasal. Nang hindi niya alam ang dahilan! lahat naman ibinigay na niya sa dalaga.
Kahit maluho ito at malakas gumastos ng pera. Hinahayaan niya lang, makuha lahat ng gustuhin ng nobya.
Habang nagdadalamhati si Chat sa sakit, kabaliktaran naman ng kay Cherry na nagpapasarap sila sa kama ni Google.
"Love, hindi ka pwedeng magpakasal kay Chat, mahal natin ang isa't isa. Huwag kang sisipot sa araw ng kasal niyo. Pag nagpakasal ka kay Chat hindi mo na ako makikita." Banta at panakot ni Google kay Cherry.
"Hayaan mo love, hindi ako magpapakita sa araw ng kasal namin ni Chat para sa'yo. Mahal na Mahal kita."
Simula ng hindi natuloy ang kasal ni Chat at Cherry hindi lumalabas ng kwarto si Chat. Hindi rin kumakain, habang dumadaan ang mga araw lalong lumalala. Hindi nakikipag-usap sa kanyang pamilya. Ang balbas niya ay parang ermitanyo sa kagubatan ang itsura. Ang mukha niyang guwapo, ay naging mukhang sanggano sa dami ng balbas sa mukha.
Walang pakialam ang binata sa kanyang sarili. Lagi lang alak ang laman ng tiyan niya, kapag walang alak na makita nagwawala ang binata. Kaya sobra nang nag-aalala ang kanyang pamilya. Hindi na nila alam kong anong gagawin sa binata. Samantalang sa kompanyang pinasukan ni Faye Biatrice or mas kilalang Fb.
Kausap ng dalaga ang kanyang boss, tungkol sa charity na kailangan puntahan. Para madala ang perang pang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Undoy. Nagsalita si Mr. Ocampo ang boss ni Fb.
"Ms. Madrigal you need to go to Kaagapay Charity, please give our donation for all the victims of typhoon Undoy. You need to prepare now. After 10 minutes you can go. No need to come back to your work. Just take a rest in your home, this is your free day. But you need to come to work tomorrow," Mr. Ocampo said with a smile on his lips.
"Yes, sir. I will go immediately," sagot niya.
Makalipas ang ilang sandali, nagpunta na si Fb sa Kaagapay Charity. Pagkarating niya sa charity, pumasok siya sa opisina at ibinigay niya agad ang pera. Pagkatapos ay lumabas na si Fb sa opisina ng charity at may kinuha siya sa loob ng kanyang bag. Habang siya'y nakayuko at naglalakad, may biglang bumati sa kanya.
Pamilyar ang boses nito, kaya tumingin siya sa taong bumati. Laking gulat niya ng makita niya si Skype ang best friend niya noong nag-aaral sila ng college. Nagyakapan ang dalawa na sabik na sabik sa isa't isa, sa tagal na hindi nagkita. Nakalimutan nilang may kasama pala sila, kung hindi nagsalita si Donya Aida.
"Hija, sino siya mukhang magkakilala kayo at close sa isa't isa?"
"Lola, siya po ang best friend ko noong nasa college kami, pareho na Psychology ang kinuha namin course. Kaya sabay kami nakapagtapos ng Bachelor of Science in Psychology," paliwanag at pagpapakilala nito sa dalaga.
"Nice to meet you, madam," nakangiti kong wika at halik sa pisngi nito.
"Nice to meet you too, hija," masayang tugon niya.
"Fb, maaari mo ba kaming tulungan sa kapatid ni Skype. Nagkaroon siya ng depression simula ng iniwan siya ng kanyang mapapangasawa. Hindi na namin alam ang gagawin namin sa kanya. Babayaran kita ng apat na milyon sa loob ng tatlong buwan na pagtira mo sa mansion namin. Bilang personal maid, please, tulungan mo kami," malungkot na pakiusap ni Donya Aida.
Naantig ang puso ni Fb na nakatingin kay Donya Aida at best friend niya. Nahihiya siya, kung hindi niya mapagbigyan ang matalik niya kaibigan at Lola nito. Nagkataon naman na kailangan ni Fb ng apat na milyon para pangtubos ng nakasanla nilang bahay sa bangko. Napasanla ito noong naoperahan ang Daddy niya sa sakit sa puso. Kaya kailangan niya tanggapin ang alok ni Donya Aida.
Pwede ko na po bang makuha ang pera, kailangan ko lang mabayaran ang nakasanla namin bahay sa bangko. Sa totoo lang, manager po ako sa isang kompanya. Dahil best friend ko si Skype, kaya susubukan ko kayong matulungan. Mag-leave na lang muna ako sa kompanya na pinapasukan ko Tita." pahayag ko.
"Walang problema ibibigay ko sa'yo bukas ang pera. Kung pwede kailangan mo ng pumunta sa mansion," masaya at nakangiting saad nito.
"Salamat po Tita, makakaasa po kayo tutupad ako sa pinag-usapan natin," nakangiti kong wika
Pagkatapos nilang mag-usap, sumama si Skype kay Fb para makapag-usap silang dalawa. Nagyakag si Fb sa mall para makabili ng simpleng damit na dadalhin sa mansion ng pamilya Montemayor.
Kahit hindi naman mayaman ang pamilya ni Fb, nasusunod lahat ng gusto niya. Dahil dalawa lang silang magkapatid at may negosyong laundry shop na pinamamahalaan ng Kuya niya. Pagkarating nila sa mall namimili sila nang damit ng may napansin si Skype na lalaking gwapo at magandang manamit. Itinuro niya ito kay Fb.
"Fb, tingnan mo ang lalaking 'yon, makalaglag panty!" kinikilig na wika ni Skype, sabay turo nito. Pagtingin niya nagpanic siya sa gulat at nagsalita ang dalaga.
"Skype, siya ang boyfriend ko si Philip Mories Ocampo o mas kilalang Pm Ocampo. The owner of Architect and Design Company," pahayag niya.
"Wow! Bonga ang boyfriend mo best, mayaman, gwapo at maporma, yummy! Ikaw na!" may paghangang saad ni Skype.
Pagkatapos mamili ni Skype at Fb ng damit niya. Naghiwalay na sila ng uwian. Si Skype sa opisina at si Fb naman ay sa condo para makapag handa ng dadalhin papunta kina Skype.
Makalipas ang ilan sandali nakarating na si Fb sa condo, kaagad siyang naghanda nang damit na gagamitin niya sa mansion ng Montemayor. Habang naghahanda siya, narinig niyang tumunog ang kanyang phone. Nakita niyang tumatawag ang kanyang boyfriend.
Sweetheart calling, pinindot at sinagot niya ang tawag.
"Hello, sweetheart, pwede ka bang pumunta dito sa may Ikkoryu Fukuoka Ramen restaurant. Sa paborito mong japanese restaurant. Nag pa-set ako ng dinner natin, mga 7pm kailangan nandito ka na!" Malambing niyang pakiusap.
"Ok, sweetheart, no problem, I'll be there exactly at 7 pm."
"Ok! thank you sweetheart, I love you." Masayang paalam ni Pm.
"I love you too, sweetheart," nakangiti kong sagot.
Pagkatapos mag-usap ng mag boyfriend. Naghanda si Fb nang isusuot niya sa dinner-date nila ni Pm. Napili niya ang isang pink sexy dress na may curve sa likuran at sinuot na ng dalaga, nag make-up din siya. Nang nasiyahan sa hitsura niya. Tiningnan niya ang orasan niya at nakitang six thirty na pala.
Lumabas na siya sa condo at sumakay sa kanyang kotse, tinahak niya ang kahabaan ng daan patungo sa shangri-la plaza. Papunta sa may japanese restaurant na malimit nilang kainan.
Habang on the way pa si Fb, abalang- abala si Pm at ang mga staff ng restaurant. Para sa pag-set ng dinner-date nila at para sa proposal niya sa dalaga. Yayain na niyang magpakasal ang dalaga. Kung tatanggapin nito ang alok niyang kasal. Habang naghihintay si Pm, kinakabahan siya kung anong isasagot ng dalaga.
Makalipas ang kalahating oras, nakarating na si Fb at ipinarada lang niya sa parking area ang kanyang kotse at pumasok na sa loob ng restaurant. Nagulat ako at walang tao, nakita kong nag-iisang nakaupo si Pm. Sa harapan ng table na puro petals ng rose ang buong lamesa. May candles pa at mukhang napaka-espeyal yata ng dinner na ito," bulong ng isip ko.
Narinig ni Pm ang tunog ng takong nang sapatos ng girlfriend niya at lumingon ang binata. Hindi nga siya nagkamali kilalang-kilala niya ang nobya. Apat na taon na silang magkasintahan. Kaya handa na siyang pakasalan ito, dahil mahal na mahal niya ang dalaga.
Habang ito'y naglalakad papalapit sa kanya, hindi niya maiwasan mapatitig at humanga sa angking ganda ng kanyang nobya. Kaya naman wala na siyang mahihilang pa kundi ang pumayag sanang magpakasal ito sa kanya.
Pagkalapit ni Fb sa table, ibinigay ni Pm ang isang pumpon ng bulaklak ng tulips. Tulips ang paboritong bulaklak ni Fb, pagkatapos maibigay ang bulaklak. Hinalikan niya sa pisngi ang dalaga at pinaghila niya ng upuan bago nagsalita.
"Your so pretty tonight sweetheart," Mau paghangang wika niya.
"Hmmm…sweetheart bolero ka talaga!" ngiting tugon ko.
Kumain na ang dalawang mag kasintahan, nang matapos na silang kumain. Biglang lumuhod ang binata at may hinugot sa bulsa ng pantalon.
Nang mailabas niya ang kahita ng singsing ay hindi na ako nakapagsalita. Gulat at kaba ang aking nararamdaman.
"Sweetheart, will you marry me!" may pagsusumamo na tanong niya.
Hindi kaagad ako nakasagot, dala nang aking pagkabigla, hindi ko inaasahan ang simpleng dinner-date ay may plano pala ang aking boyfriend. Natauhan lang ako ng nagsalita ulit ito.
"S-sweetheart, makikita sa mga mata niya ang lungkot at pag-aalala.
"Sweetheart, alam mo na mahal kita at alam kong mahal mo rin ako, pero hindi pa ako handang lumagay sa tahimik. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko ng malaya pa ako. Sana maunawaan mo ako," malungkot na paliwanag ko.
Ngumiti ng mapait si Pm at nagsalita, "Okey lang, sweetheart. Maghihintay ako kung kailan ka na-ready magpakasal sa akin," malungkot niyang tugon.
Nanghihina at nalulungkot si Pm, pakiramdam niya'y nagsisikip ang kanyang dib-dib. Dahil hindi tinanggap ng nobya ang kanyang proposal. Pero wala siyang magagawa kundi unawain ang desisyon ng dalaga. Pagkatapos ng nangyari, inihatid ni Pm si Fb sa kanyang kotse, hinintay niyang makaalis ang dalaga bago siya nagpasyang umuwi.
Nang makarating si Fb sa condo, nakaramdam siya ng lungkot. Alam niyang nasaktan niya ang kanyang boyfriend. Pero wala siyang magawa dahil hindi pa siya ready na pumasok sa buhay may asawa.
Kinabukasan araw na ng pagpunta ni Fb sa bahay ng best friend niya. Tinawagan niya muna si Skype bago siya sumakay ng taxi. Lumipas ang isang oras, nasa tapat na siya ng mansion.
Kasalukuyan namang naghihintay sa loob si Skype at Donya Aida, hinihintay nilang dumating ang dalaga. Makalipas ang isang oras nakarating si Fb sa mansion at kaagad siyang nag-doorbell. Pinagbuksan at pinapasok siya ng isang kasambahay at inihatid sa may terrace.
Nakita niya si Skype at Donya Aida sa terrace na nakangiti at naghihintay sa kanya.
Pagkatapos nilang mag-usap pumunta sila ng kusina at ipakilala ni Skype kay Fb ang mga kasambahan nila, para hindi mahalatang mag best friend silang dalawa.
Isa-isang ipinakilala ni Skype ang mga ito kay Fb, siya si Viber ang driver naming bakelicious. Ito naman si Apps, turo nito sa dalagita. At ang mayordoma namin dito sa bahay si Nanay Nimbuzz, sila ang mga makakasama mo sa araw-araw."
"Guys! Siya si Fb, ang personal made ni Kuya Chat," nakangiting pagpapakilala nito sa dalaga.
"Wow! Bonggacious ang beauty mo atet's, kakainlababo ka!" may paghanga at maarteng wika ni Viber. Kaya nagtatawanan sa loob ng kusina.
Saktong naghahanda ng chicken soup si Nanay Nimbuzz, para dalhin sa binatang amo. Kaya nagprisinta si Fb na siya na ang magdadala sa kanyang magiging amo. At hinayaan naman siya ng mga kasama.
Dinala ni Fb sa kwarto ni Chat ang chicken soup, kumatok ang dalaga, pero walang nasagot kaya binuksan na niya ang pintuan.Pagkabukas at pagpasok niya bumungad ang lalaking parang ermitanyo sa haba ng balbas. Nakatingin ito sa kanya ng matalim at madilim ang mukha, na para siyang kakainin ng buhay."
Nakakatakot naman ang lalaking ito!" bulong ng isip ni Fb, at nagsalita ang dalaga.
"Hi! Ako nga pala si Fb ang personal maid mo. Dinalahan kita ng chicken soup na paborito mo," nakangiting pagpapakilala at wika niya.
Inaabot ni Fb ang chicken soup sa binata, kinuha naman ito ni Chat. Pero biglang ibinuhos sa ulo ng dalaga.
"O-ouch!" paanas kong daing ng naramdaman ko ang init ng chicken soup na ibinuhos niya sa akin. Hindi ko pinahalatang nasaktan ako at nagulat. Nagtimpi ako at bumalik uli sa kusina, para kumuha ng bagong chicken soup at kutsara.
Pumasok uli ako sa kwarto ni Chat dala ang chicken soup at umupo ng kagaya ng pag-upo ng indian people. Sinimulan kong higupin ang sabaw ng chicken soup, habang nakaharap sa kanya. Sarap na sarap ako sa paghigop ng sabaw at sinadya kong may tunog ang paghigop. Para maglaway at matakam si Chat. Hindi nga siya nabigo at humingi ang binata.
"Bigyan mo ako ng chicken soup," galit niyang utos.
Dali-dali akong kumuha ng chicken soup sa kusina.
"Akala mo maiisahan mo ako at uurungan kita! Pwes! Nagkakamali ka Mr. Sungit, hmp!" piping bulong ng isip ko.
Pagkatapos makakuha ni Fb ng chicken soup sa kusina dinala niya sa kwarto at inabot ito sa binata. Kinuha at hinigop niya ang sabaw ng chicken soup.
Nakita niyang sobrang gutom ng binata, awang-awa ang nararamdaman niya. Nanggigigil siya sa babaeng iyon, habang tinitingnan niya. Kung gaano ka-miserable ang nangyari sa buhay ng kapatid ng best friend niya.
"Siguro gwapo itong lalaking ito kapag walang balbas," bulong ng isip niya.
Habang kumakain ang amo, pumunta si Fb sa banyo ng binata. Iniikot niya ang kanyang mga mata sa gamit nito at nakita niya ang raizor at shaving lotion.
"Aha! Huli ka! Nakita ko na ang hinahanap ko. Lagot sa akin ang balbas mong mahaba Mr. Sungit, hahaha!" Masayang halakhak ni Fb, na parang nanalo sa lotto.
Pagkalabas ni Fb sa banyo, hindi siya nagpahalatang may naisip siyang kalokohan. Saktong natapos ng kumain ang binata at humingi si Chat ng caffe' mocha. Kaagad naman siyang pumunta sa kusina ng may ngiti sa labi.
"Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon, pagsinuswerte ka nga naman!" Sa isip-isip ko.
Pagkadala niya ng pinagkainan ni Chat, pumunta muna siya sa kanyang kwarto. Para kunin ang baon niyang sleeping pills.
Alam niyang mahirap paamuin ang taong may sakit na Depression, kaya nag-ready siya nang bala para sa matigas ang ulo. Pagkakuha niya ng sleeping pills, dumiretso na siya sa kusina para maghanda ng caffe' mocha. Isang pitsel agad ang ginawa niya. Gumamit siya ng blender, para tunaw na tunaw ang gamot at hindi malasahan ang iniinom.
Ang plano niya kapag nainom at nakatulog si Chat tsaka niya aahitan ang balbas ng binata. Pumasok na siya sa loob ng kwarto ni Chat dala ang isang pitsel na caffe' mocha at baso. Habang naglalakad ang dalaga, panay ang tawa niya.
"Lagot ka sa akin Mr. Sungit," parang baliw na bulong ng isip ko.
Pagpasok ko sa kwarto nilagyan ko agad ang baso ng caffe' mocha. Ibinigay ko sa kanya at kinuha naman ni Chat. Ininom nito ng straight ang isang punong baso.
Nilagyan ko ulit ang baso, ngunit diskumpyado si Chat, kaya pinainom niya ako.
"Ikaw naman," galit niyang turan. Sabay bigay ng basong may laman na.
"Oh--My--God! paano ko kaya lulusutan ang lalaking ito?!" tanong ng isip ko, nang nakaisip ng alibay ang dalaga.
"Nagtatae ako diyan sa ganyang klase ng inumin," may pagtangging turan ko.
"Lumang alibay na yan!" galit na singhal niya.
Walang nagawa si Fb kundi uminom, nakakalahati pa lang siya sa baso ng napangibit siya at nagkunwari siyang masusuka sa lasa. Kaya ibinaba na niya ang baso at hindi na nagpupumilit si Chat na ubusin ni Fb ang natira.
Pagkatapos uminom ni Chat, nagpunta lang saglit ang binata sa banyo at paglabas ng banyo, nakatulog na ang binata.
Habang si Fb naman ay dinala ang pitsel sa kusina, na may laman pang caffe' mocha at ibinaba sa lamesa, kasama ang baso. Nadatnan niya si Viber na nakatayo sa kusina at nagsalita si baklitang Viber.
"Wowawee! Ang sarap naman inumin niyan sistah."
"Pahingi naman ako sistah, laway na laway si aket'z," nagkakapilipit na wika ni Viber sabay kuha ng pitsel at nagsalin ito sa baso. Ininom nang mabilis ang laman ng baso.
Hindi na napigilan ni Fb si Viber, Saktong dumating din si Apps at Nanay Nimbuzz. Nakiinom din ang mga ito. Wala namang nagawa ang dalaga. Kundi tingnan ang tatlong sarap na sarap sa iniinom.
"Naku! Pati kayong tatlo, nakakatulog din ng maaga," bulong ng isip ko.
Wala na siyang magagawa, hindi niya pwedeng sabihin may pampatulog ang iniinom ng tatlong pasaway. Kaya bumalik siya sa kwarto ni Chat para isagawa ang kanyang plano sa binata.
Excited niyang kinuha ang raizor at shaving lotion, sabay sabing, "Heto na ako Mr. Sungit siguradong pagnaahitan kita ng balbas mong kay haba, na parang bangs ng kabayo. Mag mumukha kang tao este maging kamukha ka ni Lee Min Ho, ang aking fafa idol," pilyang ngiti at bulong ng isip ko.
Kapag naalala ko ang idol kong si Go Jun Pyo ng boys over flowers, kinikilig ako, "Ayeh! So fafable," malanding bulong ng isip ko.
Sinigurado ni Fb na tulog na ang binata, nilapirot ang mukha at ilong ni Chat. Nang nasigurado niyang tulog na ang amo.
Sinimulan na niya ang paglagay ng shaving lotion sa mukha ni Chat. Pagkatapos niyang malagyan ang mukha. Sinimulan na niyang ahitan ang mukha ng binata.
Tobe continue....
Ngunit habang dahan-dahan niyang inaahitan si Chat. Hinihila din ng antok ang kanyang mga mata. Kahit anong pigil niyang labanan ang antok hindi niya makaya. Nasa kalahati pa lang siya ng naahit sa mukha nito ng hindi na nakayanan pumikit ang kanyang mga mata. Nakatulog ito at bumagsak sa sahig.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento