Seven Princess Part 2

 Kabanata 2


Hiling


My heart skipped a beat. I just can't deny the fact that I am in love with this man despite my lost memories. It is true, it is so true. 


"I know how much you love apples, so I brought you some." 


Napatingin ako sa kanya. Kakapasok lang niya sa aking kwarto at may dala-dalang isang plato na may mga nakahiwang mansanas.


"Hindi ko na binalatan dahil gusto mong kainin ang mansanas na may balat pa, sabi mo kasi nasa balat ang sustansya." Inabutan niya ako ng isang hiwa.


"Salamat," sabi ko.


Bigla akong napaisip, ilang araw na rin siyang nandito at kasama ko. Wala ba siyang ibang ginagawa? 


"Uh, Rav?" tawag ko sa kanya.


Binaba niya muna ang hawak bago ako binalingan.


"Bakit? May gusto ka pa bang kainin o gawin?"


Umiling ako. "Gusto ko sanang tanungin kung wala ka bang trabaho o kung ano man? Hindi mo naman na ako kailangang batayan palagi, kaya ko nang mag-isa."


"Ayaw mo bang nandito ako?" malungkot niyang sabi.


Bigla akong nakaramdam ng inis sa sarili. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Nag-aalala lang na baka masyado na akong nakakaabala sa kanya at hindi na niya nagagampanan ang buhay niya sa labas.


"Hindi naman sa ganoon. G-gusto kong nandito ka, masaya ako na lagi kang nakikita pero kasi... nag-aalala lang ako sa iyo. Baka masyado na kitang naabala," sabi ko at kinagat ang pang-ibabang labi.


Hinaplos niya ang buhok ko at inangat ang tingin ko. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. Nahigit ko ang hininga ko at wala sa sariling naipikit ang mga mata.


"You are my first priority, Kyra. Mananatili ako dito hanggang sa gumaling ka na. Hindi kita iiwan," sabi niya at niyakap ako.


"M-Magaling naman na ako, hindi muna kailangang mag-alala." Niyakap ko siya pabalik. 


"Not really, you can't still remember me." Tumingin siya sa akin at kumalas sa yakap.


"Why can't you just tell me who you really are, mister?" hamon ko sa kanya.


"A little brave, aren't you? Seek for yourself, kahit naman sabihin ko sa iyo ay hindi ka rin maniniwala. Mahirap paniwalaan kung sino ako at kung ano ako sa buhay mo."


Mas lalo pang sumibol ang kuryusidad sa isipan ko. Kahit anong gawin ko naman ay hindi ako makaalala. Gaano ba kalala ang nangyari sa aking aksidente? Bakit buong buhay ko ay nakalimutan ko? Bakit ako naaksidente? Paano ako nasangkot sa isang aksidente? Paanong nangyaring nabuhay pa rin ako?


Napahawak ako sa sentido ko nang may pumitik na sakit doon dahilan para dumilim ang paningin ko. Kaya ba ayaw akong pilitin ni Rav na makaalala, ganito ba ang mangyayari?


Bumilis ang paghinga ko at parang kahit anong oras ay bibigay na ako. Wala si Rav at hindi ko alam kung huhupa pa ang sakit ng ulo ko. May kung ano akong nararamdamang tumutulo mula sa ilong ko pero bago ko pa malaman kung ano iyon ay tuluyan na akong tinakasan ng malay.


Puro iyak ng mga bata ang naririnig ko. Sa isip ko ngayon ay kailangan kong bumangon para masiguradong ligtas sila. Pero, ang katawan ko. Ayaw kumilos, hirap din akong huminga. Anong nangyayari? Kailangan kong iligtas ang mga bata! 


Tulong!


Mabilis ang paghinga ko nang magising ako. Pawis na pawis rin ang aking katawan at sobrang masakit ang aking ulo. Binaling ko ang aking tingin sa direksyon kung saan ako may naririnig na nagsasalita. 


Si Rav na nakatalikod sa akin na may kausap na isang lalake na nakaputi. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko magawa, ni iangat ang kamay ko ay wala rin akong lakas. Para akong naparalisa.


"Huwag ka munang gumalaw, Kyra. Ipahinga mo muna ang katawan mo," sabi ng nurse na nagaasikaso sa akin.


Maayos akong nakahiga sa kama at wala na rin ang likido na tumutulo sa aking ilong bago ako nawalan ng malay. 


"Labis mong pinag-alala ang kasintahan mo, hija. Hindi mo na dapat pinipilit ang sarili mo na makaalala, babalik din ng kusa iyan. Kung hindi siya nakabalik kaagad at nakita ka na nalulunod sa sarili mong dugo ay baka malamig ka ng bangkay ngayon," sabi pa nito.


Dugo?


Kung ganoon, dugo pala iyon. Matapos ayusin ng nurse ang IV na nakakabit sa akin ay sabay na silang umalis ng doktor na kausap ni Rav.


"I'm sorry," sabi niya pagkalapit sa akin.


Bakit siya humihing ng tawad? Ako dapat! 


"Sinasabi ko na hindi kita iiwanan pero ginawa ko pa rin. Hindi sana nangyari iyon. I'm so glad that I finished taking a bath really quick and came back here, immediately. When I saw you, nearly lifeless, I don't know what to do. Please, don't scare me like that again. Sobra-sobra na ang takot simula ng mangayari ang aksidenteng naging dahilan ng lahat ng ito, hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang takot ko," sabi niya habang walang-humpay na pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata.


Kahit na hirap ako ay pinilit kong abutin ang kamay niya. Hinawakan ko siya nang mahigpit. Anong nagawa ko para ingatan ako ng isang tulad ni Rav? Sa tingin ko ay hindi ako nararapat sa kanya. 


"Mahal na mahal kita, Kyra. You are the only reason kung bakit ako nagpapatuloy. Please, don't leave me." He kissed the back of my hand. 


I wiped his tears. Isa lang ang napagtanto ko ngayong araw, hindi mahirap mahalin si Rav. Hindi ako nagduda nang sabihin niyang mahal ko siya dahil ngayon pa lang, kahit wala akong maalala sa nakaraan namin ay minahal ko ulit siya. Oo, sigurado ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang binuhay ang buong katawan ko. 


"Mahal din kita, Rav." 


Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil ramdam kong natigilan siya sandali. Ngumiti siya. Ngiti na punong-puno ng kasiyahan.


"How sure are you that you love me?" he asked.


"I just feel it here." I pointed my chest where my heart is. 


He leaned down and before I can react, his lips found mine. His soft kisses is making me dizzy. I responded, I love how he kissed me with so much care and love. 


I bit my lips when he pulled away. Mapula ang nakaawang niya mga labi, pareho naming habol ang aming mga hininga.


Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang intensidad ng kanyang titig. Mabuti na lang ay may kumatok sa pinto. 


Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo siya sa akin para buksan ang nakasaradong pinto.


"Hola, hermano! Long time no see," sabi ng pamilyar na boses.


Hermano?


Nilingon ko iyon para makita ang kapatid ni Rav. Malaki ang ngiti nito at parang laging gagawa ng kalokohan. Bumaling ito sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.


Tumikhim ito bago nagsalita. "Hola, Señorita Kyra! I'm Rag--"


Hindi nito natuloy ang sinasabi dahil siniko siya ni Rav. 


"Oo na, ang sakit," sabi nito habang hinahaplos ang parte ng braso na siniko ni Rav.


"Ako si Raguel, katiwala ni Rav." Ngumiti ito.


Katiwala? Pero bakit hermano ang tawag niya dito?


"Huwag kang mag-alala, Raviro. Ayos ang paalam ko, hindi magdududa iyon," mahinang sabi ni Raguel kay Rav.


Raguel sounds so familiar to me. Without hesitation, I decided to ask Raguel.


"Have we met before? Your name sounds very familiar," I said and saw him blinked twice.


He cleared his throat and smiled awkwardly. I saw how Rav glared at him.


"N-no, of course not. T-this is the first time I met my interés amoroso de hermano (brother's love interest)," he answered.


Tumango ako at nag-init ang pisngi nang mapagtanto ang sinabi niya. 


"Hindi nga rin ako makapaniwala na ikaw pala ang pantasya nitong hermano ko. Sabagay, maganda ka naman at sa tingin ko kahit ako ay magugustuhan ka pero nauna na si hermano sa iyo kaya hindi kita pwedeng sulutin. Red flag yun!" 


Natawa ako sa kadaldalan ni Raguel habang si Rav ay mukhang hindi natatawa. 


"Napaka-ingay mo, Raguel." Umirap si Rav at saka nilapitan ako.


Hinawakan ko ang kamay niya. "Help me sit, please."


Pagkatapos niya akong tulungan ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang isa pang makisig na lalake.


"Rafaelle, ang tagal mo sa labas." Sinalubong ni Raguel ang kakaratin na lalake.


Rafaelle? Bakit sobrang pamilyar ang mga pangalan nila sa akin pero hindi ko naman kilala ang mga mukha nila?


"Reynard and Reneesh are coming. Get ready," seryosong sabi ni Rafaelle.


Humigpit ang hawak sa akin ni Rav at nag-igting pa ang panga niya.


"Anong ginagawa nila dito? Ang akala ko ay galit sila sa akin?" tanong ni Rav habang nasa akin ang atensyon.


"They just wanna know why you still keeping her." Tumingin sa akin ng matalim si Rafaelle.


"I already stated my reasons. Walang nagbago," Rav said.


Inangat ni Rav ang tingin ko at ngumiti sa akin.


"What's happening? Galit yata sila sa akin dahil laging ako ang inaalala mo," sabi ko.


Umiling siya. "Can you wait for me? I need to face them. I'll be out for an hour." 


Tumango ako at ngumiti. "Sure, you can. Sabi ko nga, ayos lang ako. Go, I think you need to seriously talk."


Hinalikan niya muna ang noo ko bago inaya ang dalawang lalake sa labas. Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Sa tono kanina ng pananalita ni Rafaelle ay parang may problema siya sa akin at yung si Reynard at Reneesh. I know that something happened before at hindi ko na iyon maalala. 


Sobrang pamilyar nila sa akin pero ayon kay Raguel ay 'yun ang unang beses na magkita kami. I don't want to trigger my memory anymore. Ayokong nang mag-alala pa si Rav, ayoko nang makita ang nasasaktan niyang mga mata. Sumakit ang dibdib ko nang makita ko ang pagluha niya. Takot na takot siya.


Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Ang buong akala ko ay si Rav na iyon pero isang lalake na mas matured ang itsura kumpara sa tatlong lalake. Aminin kong natatakot ako sa kanya dahil mukha siyang takas sa kulungan.


"Magandang araw sa iyo, Kyra." 


Kilala niya ako? 


"M-Magandang araw din sa iyo," bati ko.


Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan nang mahigpit ang palapulsuhan ko. 


"N-Nasasaktan ako." Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong pwedeng gawin sa akin ng lalakeng ito.


"Tama na ang pagpapanggap mo! Kung naloko at nabilog mo ang ulo ng kapatid ko, pwes, hindi ako! You lost you memory, huh?! Lumang palusot na iyan! Hindi ko mapapalampas ang nangayari! Paparusahan kita!" galit na sabi niya at mabilis na inilagay ang isang kamay sa aking leeg.


Sinasakal niya ako! Hindi ako makahinga at kahit anong gawin kong panlalaban ay balewala! Masyado siyang malakas.


"H-Hindi ako m-makahinga. T-Tama n...na!" Hinawakan ko ang kamay niyang nakasakal sa akin.


Tumulo ang luha ko, pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya. 


Tulong, Rav! 


"Rachim!" 


Nabuhay ang pag-asa ko nang marinig ang boses ni Rav. Mabilis niyang tinulak ang lalake at saka dinaluhan ako.


Ilang beses akong umubo at hinabol ang hininga ko. Hinawakan ko ang leeg ko habang walang-patid ang pagtulo ng luha ko. Ramdam ko pa ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa takot.


"Kyra, I'm here. I'm sorry." Niyakap ako ni Rav.


Hinawakan niya ang palapulusuhan ko na nagkaroon ng malaking pasa sa sobrang higpit ng hawak ng lalake kanina. Hinalikan niya ang bahaging may pasa na para bang gagamot doon. Hinaplos din niya ang leeg ko at pagkatapos ay hinalikan rin. Natigil ako sa pag-iyak.


"Tuluyan ka na talagang nagpabilog sa babaeng iyan at nagawa mo na kaming talikuran!" sigaw ng lalake kanina.


Hinarap ni Rav ang lalake. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ilang lalake ang nandito ngayon sa kwarto. Limang lalake ngayon nakatayo malapit sa pinto, habang si Rav ay nakatayo sa harap ko na para bang pinoprotektahan ako sa mga lalakeng nanlilisik ang mga mata sa akin pwera lang kay Raguel.


"Anong karapatan mong saktan si Kyra, Rachim?!" madiin na sigaw ni Rav.


"Huwag mo nang protektahan ang babaeng iyan. Wala na akong nakikitang dahilan para mabuhay pa iyan pagkatapos ng ginawa niya sa pamilya natin! Kung malalaman ito ni Muriel, Antoinette at, Iesha ay paniguradong mas mahihirapan pa ang babaeng iyan. Isuko mo na siya, nakikiusap kami."


Kinagat ko ang labi at muling bumuhos ang luha. Ano bang ginawa ko? Bakit wala na akong karapatang mabuhay? Anong kasalanan ko sa kanila?


"Hindi. Dadaan muna kayo sa akin. Kung parurusahan niyo siya, sasama ako sa kanya. Parusahan niyo rin ako," sabi ni Rav.


Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Rav...


"Baliw ka nang talaga," sabi ng lalakeng sumakal sa akin at padabog na lumabas ng kwarto.


"Alam mong hindi namin kayang makitang parurusahan ka kaya ginagamit mo iyon para protektahan ang kriminal na iyan," sabi ng isang lalake pagkatapos ay bumaling sa akin.


"Sa oras na makaalala ka, ikaw na mismo ang hihiling na sana ay namatay ka na lang sa aksidenteng iyon."

Mga Komento

Trend Stories