Sayo sya noon akin sya ngayon

Chapter 1


Mahimbing na natutulog si Ken Sy kayakap si Kathrine, nang tumunog ang kanyang phone. Kinapa niya habang nakapikit ang kanyang mata, kung nasaan ang phone niya. Nang mahagip niya ito ay agad kinuha  at sinagot ang tawag. 


"Hello, Ken, nasaan ka? Umuwi ka ngayon din, " utos ni Donya Virna. 


Biglang nagising si Ken pagkarinig niya sa boses ng Mama niya. Nagmadali sa pagtayo at nagbihis. Hindi niya ginising ang kanyang nobya dahil alam niyang napagod ito kagabi sa kanilang paniniig. Mamaya na lang niya tatawagan pagkatapos niyang makausap ang kanyang Mama. Sa mansion nag-usap si Donya Virna at Mariz. 


"Hija, alam kong mahirap ang hinihingi kong pabor sa 'yo pero alam kong darating ang panahon na magmahalan din kayo ng anak ko. Ikaw lang ang nakikita kong karapat-dapat na maging manugang ko. Alam kong pera lang ang habol ni Kathrine sa anak ko, habang hindi pa natin alam kong may pag-asa pa akong gumaling. Hindi dapat malaman ni Ken na may sakit ako," sabi ni Donya Virna


"Hayaan niyo po Tita, pumayag naman si Mama at Papa na magpakasal ako kay Ken. Gagawin ko ang lahat para matutuhan ko siyang mahalin, at matutuhan niya rin akong mahalin. Kahit na alam kong mahirap at hindi papayag ang girlfriend ni Ken," tugon ni Mariz. 


"Salamat kung ganoon,"


Nang matapos mag-usap nilang dalawa ay nagpaalam na ang dalaga na papunta sa kanyang opisina. 


Siya naman ang pagdating ni Ken, sa kanilang mansion at nakita niya si Attorney Nick Pineda. Ang nag-iisang katiwala nila sa kompanya. 

Sa kanila nakatira si Attorney Nick, at itinuturing niyang pangalawang Ama ang matanda. At nakita siya ng kanyang Mama. 


"Ken, mag-usap tayo!" seryoso niyang sabi. Lumapit si Ken sa kaniya. 


"Ken, kailangan mong magpakasal bukas kay Mariz, ang anak ng best friend ko," utos ni Donya Virna. 


"Mama, alam mo naman na girlfriend ko si Katrine!" inis na tugon ni Ken. 


"Ako ang masusunod wala akong pakialam sa Kathrine mo!" bulyaw ni Donya Virna. 


"Hindi! Mama, hindi ako magpapakasal!" galit na turan ni Ken. 


"Sige! Huwag kang magpakasal, wala kang mamanahin sa akin kahit isang sentimo!"Ibibigay kong lahat kay Mariz at sa foundation. Ang lahat ng ari-arian ng pamilya natin!" Galit na galit si Donya Virna.  At nakikinig lang si Nick sa usapan ng mag-ina. 


"Kilala mo ako Ken! Ginagawa ko ang sinasabi ko! Naipagawa ko na ang testamento ko kay Nick, kaya wala kang choice kung 'di magpakasal sa babaeng gusto kong maging manugang!" 


Galit ang nararamdaman ni Ken, nang umalis ng mansion at ni hindi niya nagawang sumagot pa sa Mama niya. 

Nagpunta si Ken sa isang bar para doon ilabas ang sama ng loob at tinawagan niya si Kathrine. 


"Hello, Babes. Punta ka dito sa bar na lagi nating pinuntahan!" pahayag niya rito. 


Nagmamadali naman na  pumunta sa bar si Kathrine, at pagkarating niya roon ay pumasok siya agad at nakita niya si Ken na umiinom. Napangiti siya at alam niyang mayroong problema ang nobyo.


"Hi babes," pagbati ni Kathrine, at sabay halik sa labi ng nobyo. 


Hindi nagsalita si Ken, at panay tungga nito sa alak habang nakatingin sa malayo. 


"Ano ba ang problema mo?" seryosong tanong ni Kathrine. 


"Kailangan kong pakasalan ang anak ng best friend ni Mama. Wala akong mamanahin kahit isang sentimo kung hindi ko gagawin ang utos ni Mama." kuwento niya rito. 


"Bakit kailangan mo siyang pakasalan?!" galit na tanong ni Kathrine. 


"Babes, look at our future, it depends on my inheritance. If I can't marry that girl all my inheritance belongs to Mariz! I have no choice!" desperado na pahayag nito. 


Nanggagalaiti sa galit si Kathrine, malalagot siya sa kanyang Mommy at Daddy. Dahil hindi siya ang pakakasalan ni Ken. Paano nila makukuha ang Sy Construction Company Design Building and General Contractor. Kung hindi siya ang magiging Misis Sy. 


Napansin ni Ken, ang pananahimik si Kathrine. "Babes, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at kahit kasal na ako ikaw pa rin ang mahal ko." 


Nagkunwaring naniniwala si Kathrine, pero ang totoo hindi naman niya mahal si Ken. Ginagamit niya lang ito ayon sa plano ng kanyang Daddy, na makuha lahat ng share ng kompanya ni Ken. Para ang umupo bilang presidente ay si Code Montes, ang kapatid ni Kathrine. 


"Basta, babes, ako pa rin ang mahal mo, ha!" malambing na wika ni Kathrine. 


"Salamat babes!" At sabay halik ni Ken sa labi ng nobya. 


Umaga na nang nakauwi si Ken sa mansion, at umakyat siya sa kanyang kwarto. Nakatulog agad ang siya dahil sa kanyang kalasingan, at nagising siya nang may nayugyog sa balikat niya. 


"Ken, gising na. Araw ng kasal mo ngayon! " utos ni Nick. 


Hindi makatayo si Ken, pero pinilit siyang itayo ni Nick, at pinaliguan. Nagising na ang diwa niya at siya na ang nagbibihis ng kanyang sarili. Habang nakatingin siya sa salamin. 


"Humanda ka sa akin babae ka! Anong pinakain mo kay Mama at gustong gusto ka niya?" Banta ng isip ni Ken. 


Ginaganap ang kasal nina Ken at Mariz sa isang hotel, napaka simpleng damit ang suot ni Mariz. Pero hindi maikakaila ang taglay nitong ganda. Matapos ang kasal ay umuwi na sila sa mansion. Unang umakyat si Mariz sa kanyang kuwarto at biglang pumasok si Ken, dahilan ng pagkagulat niua. 


"Magaling kang babae ka! Anong pinakain mo sa Mama ko?!" galit na tanong ni Ken, sabay hawak nang mahigpit sa kamay ni Mariz. 


"Bitiwan mo ako!" galit na singhal ni Mariz. 


"Oh, bakit ngayon hindi mo masagot ang tanong ko? Mahirap bang sagutin?" sarkastiko tanong ni Ken. 


Dahil alam ni Mariz na hindi titigil ang asawa niya kung hindi niya sasagutin ang tanong nito. Kaya ipinakita niyang matapang siya. 


"Ano sa palagay mo?!" palaban na sagot ni Mariz. 


"Magkano ang kailangan mong pera para lumayo ka sa amin ni Mama?" pang-insulto niyang tanong sa asawa. 


"Ang lahat-lahat ng kayamanan mo!" mataray na sagot ni Mariz. 


Nagsisinungaling si Mariz, pinalabas niyang kayamanan ang dahilan kung bakit siya nagpakasal. Dahil naiinis siya nang tanungin siya ni Ken kung magkano ang kailangan niya para layuan sila. Ngayon lang siya nainsulto sa buong buhay niya kaya nilabanan niya ito. 


"Gold digger!" galit na bulyaw ni Ken, at sabay alis.


 Chapter 2


Naiwang nangulumo ang tuhod ni Mariz, dahil sa masakit na mga salita ni Ken. 


"Mas lalo kitang gagalitin, hmp! Akala mo papatalo ako sa 'yo!" aniya nang kanyang isip


Kinaumagahan, nakaupo na ang lahat at kumakain na nang breakfast, nang bumaba si Ken at paalis na ito papuntang opisina. 


"Ken, mag-breakfast ka muna!" sambit ni Donya Virna. 


"I have no appetite!" pa bagsak ang boses niyang tugon. 


"Isabay mo na ang asawa mo. Ihatid mo siya sa opisina," utos pa ng ina niya. 


Walang nagawa si Ken, kung 'di sundin ang Mama niya. Inihatid niya si Mariz sa kanyang opisina. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa harapan ng Martin Commercial Production Company and Media Advertising. 


Bumaba na si Mariz, at hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pintuan ni Ken. Habang naglalakad siya papasok sa company ay humarang sa harapan niya si Attorney Mike Valdez. 


"Mariz, pwede ba tayong mag-usap?" 


"Wala na tayong dapat pag-usapan, tapos na ang lahat sa atin!" mataray na tugon ni Mariz. 


"Please, Mariz. Hayaan mo naman akong magpaliwanag." Pakiusap ni Mike at saka hinawakan ang kamay niya. 


Lingid sa kaalaman ni Mariz, na hindi pa umaalis si Ken at bumaba ito sa kanyang kotse. 


"Bitawan mo ako Mike!" galit na wika niya. 


"Bitawan mo siya! Sino ka ba?!"  Biglang sabat ni Ken. 


"Ako si Attorney Mike Valdez! Ang ex-boyfriend ni Mariz!" 


"Kaya nga ex ka lang, at ako asawa! Kaya wala kang karapatan na hawakan ang kamay ng aking asawa!" galit niyang tugon. 


Binitawan ni Mike ang kamay niya. "Mariz papunta ako sa bahay ninyo, para magpaliwanag!"  pahayag ni Mike, at saka umalis na ito. 


"Ikaw naman, pumasok ka na sa loob baka kung sinu-sino pa kausapin mo!" supladong utos ni Ken. 


Nakaramdam ng inis si Mariz kay Ken, habang papasok sa opisina at hindi na niya nilingon ang asawa. 


"Anong akala mo sa akin pok-pok?! Kung sinu-sinong lalaki ang kausap, hmmp! May araw ka rin sa akin," bulong niyang banta sa asawa. 


Pagpasok ni Ken sa opisina ay agad siyang umupo sa kanyang table. 


"Daaamn! Ang babae na iyon ay obligasyon ko na ngayon, haisst!" Pagmamaktol ni Ken na mag-isa. 


Makalipas ang maghapon  ay sinundo ni Ken ang asawa sa company. Napaaga ang sundo niya kaya naghintay siya sa loob ng kotse. Nakita niyang naglalakad si Mariz, at kasama ang kanyang mga tauhan. At nakita niya na may humintong sasakyan sa harapan nito at lumabas ang sakay ng kotse. 


"Ma'am Mariz, pwede ba kitang ihatid?" tanong ni Red


Hindi pa nasasagot si Mariz ang tanong nang biglang nagsalita sa likod niya si Ken. 


"Sa akin sasabay si Mariz!" singit ni Ken, at saka hinila ang kamay ng asawa. 


Hinila din ni Red ang kamay ni Mariz, at naghilahan silang dalawa. 


"Ako ang maghahatid sa kanya!"  asik ni Red. 


"Aba! Sumosobra ka na! Ako ang asawa niya kaya sa akin siya sasabay!" singhal naman na tugon Ken. 


"May asawa bang sa iba nakikipag-date? At iniiwan ang Misis?" sarkastiko ang tanong ni Red. 


Galit na galit si Ken, nang may magsalita sa likuran niya. "Babes, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap," malambing na pahayag ni Kathrine. 


Kumalma si Ken, at hinarap siya. "Babes, bakit nandito ka?" takang tanong nito. 


"Magpapasama sana akong manood ng movie, babes. Pwede ba?" malanding tanong niya. 


"Pwedeng-pwede, babes!" tugon nito, at saka humawak sa baywang  ni Kathrine. 


Nanunuod lang sa eksena ang best friend ni Mariz, na sina Nancy at Meliz. Nakaramdam ng inis si Mariz, kaya hinawakan niya ang kamay ni Red. 


"Halika na, Red! Paki-hatid mo ako sa bahay!" utos niya sa lalaki. 


Hinablot ni Ken ang kamay ni Mariz, at hinila sa malayo. 


"Huwag na huwag mong dungisan ang apelyido ko! Kapag may nakakita sa 'yo na may naghahatid ng iba, ano na lang ang sasabihin nila?" galit niyang tanong. 


"Ang kapal naman ng mukha mong sabihan ako nang ganyan! Eh, ikaw nga ang manonood ng movie sa public place!" galit na tugon ni Mariz, at iniwan ang asawa. Sumakay na si Mariz sa kotse ni Red. 


"Naisahan mo ako, Mariz!" wika ng isip ni Ken. 


Habang nasa likod si Kathrine pakiramdam niya, nahuhulog na ang loob ni Ken sa asawa nito. "Hindi maaring mahulog ang loob mo sa asawa mo, Ken! Kailangang makagawa ako nang paraan para ako lang ang mamahalin mo?" piping wika nang isip ni Kathrine. 


Samantalang sa loob kotse ni Red ay tahimik lang si Mariz, habang nakatingin sa labas ng bintana. Napansin ni Red na malalim ang iniisip ng babaeng lihim niyang minamahal. Naisipan na pa tugtugin ang kantang nababagay kay Mariz.  'Bakit ka Iiyak' by: Jerimiah. 


Pagkarating ng mansion, bago makalabas si Mariz ay nagsalita si Red. 


"Mariz, kung gusto mong may makausap, nandito lang ako kung kailangan mo nang taong masasandalan at masabihan. Hangga't nakikita kitang nalulungkot at nasasaktan, hindi kita iiwan. Nandito ako laging naka-agapay sa iyo hanggang sa makita ko na masaya ka sa kanya. Dahil alam ko naman sa kanya ka lang sasaya."


"Salamat sa pang-unawa at pagmamahal mo Red. Hindi ko man masuklian ang pagmamahal mo sa akin, pero nandyan ka pa rin para sa akin."


"Sige na pumasok ka na?" utos ni Red. 


Pumasok na si Mariz at umakyat siya kaagad sa kanyang kwarto, para magpahinga. Pakiramdam niya ay pagod ang isip at puso niya at unti-unting nagkaka puwang sa puso niya si Ken. 


Nag tuloy sa condo si Ken at Kathrine, hindi na sila nanood ng movie. Iba ang kanilang pinag abalahan. Nagsalo sila sa kama na magdamag.


Chapter 3


Nagising si Ken sa sikat ng araw at dali-dali siyang nagbihis at umuwi sa mansion, at sigurado niyang galit na ang kanyang Mama. Pagkasakay niya sa kotse ay halos paliparin niya ang takbo, makarating lang agad sa kanilang mansion. Baka maabutan niyang tulog pa ang kanyang Mama, paghinto ng kotse ay bumaba siya at nagmamadaling pumasok sa loob at nakita niya si Nick. 


"Nick si Mama gising na ba?" tanong ni Ken. 


"Kanina pa siya gising at may kausap sa terrace," aniya. 


"Sinong kausap niya?" takang tanong nito. 


"Iyong bisita ni Mariz, gusto yatang manligaw," patay malisya ang sabi ni Nick. 


Siya naman ang paglabas ni Mariz galing kusina at pumunta siya kay Red at Mike. 

Hindi niya pinapansin ang asawa kahit nakita niya ito dumiretso siya patungong terrace. 


Nagkunwari si Mariz, na hindi niya nakikita si Ken, "Bahala siya sa buhay niya, doon siya sa babaeng makati pa sa higad!" galit niyang wika sa sarili. 


Nakaramdam naman nang inis si Ken, dahil binabalewala siya ni Mariz. Sinilip niya ito mula sa may bintana kung ano ang pinag-uusapan nila sa terrace at nakita niyang nag-uunahan ang dalawang lalaki sa pagbibigay ng bulaklak sa asawa niya. Hindi siya nakatiis at lumabas siya at pinupuntahan ang mga ito sa terrace. 


"Bakit ang daming bulaklak, may patay ba dito?!" galit niyang tanong sa mga ito. 


Sumabat sa usapan si Donya Virna, "Bulaklak 'yan para kay Mariz, dito sila mag-breakfast," seryoso niyang tugon sa sariling anak. 


"Kain na tayo nakahanda na ang pagkain!" alok ni Nick sa kanila. 


Nag-uunahan sa paghila ng upuan si Mike at Red, para kay Mariz. Naiirita si Ken sa pinaggagawa ng mga bisita ng asawa. Si Mike, ang nag sandok ng mushroom soup, at si Red naman ang nagbigay ng juice. Nakakunot ang noo ni Ken, habang nag salubong ang kilay nito. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya na hindi alam kung bakit. 


"Tingnan mo ang babae na 'to! Enjoy na enjoy namang pinagsisilbihan siya!" wika ng isip ni Ken. 


Hindi naman alam ni Ken, na sinasadya ni Mariz ang makipag-ngitian sa dalawa niyang bisita, natutuwa si Nick at Donya Virna sa nakikita nila, halatang nagseselos si Ken. Nawalan ng ganang kumain si Ken, at tumayo ito at umupo sa sofa. Narinig niya ang masayang kwentuhan nilang tatlo at Donya Virna. 


Napansin ni Ken na mas maganda pala ang mukha ng kanyang asawa kapag nakangiti ito. Narinig din niyang may project si Mariz sa isang resort para sa isang magazine. Gayak na sa pag-alis sina Mariz at Red, para sa pictorial na gaganapin sa resort. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating sila sa resort, at nakita nila sina; Nancy, Meliz, Joe, at ang asawa ni Nancy. 


Nakahanda na ang lahat at pumasok sila para mag-check-in. Plano nilang bukas na umuwi dahil sa dami ng kanilang ayusin bago matapos ang pictorial ng mga model. Dahil sa abala si Mariz sa kanyang trabaho ay nakalimutan niya ang kanyang problema sa asawa. Nagulat siya nang pag alis niya ng kwarto ay  may biglang humablot sa kamay niya.


Pagtingin niya sa humawak sa kanyang kamay, "Ken!" bulalas ni Mariz. 


"Bakit gulat na gulat ka?" seryosong tanong ni Ken. 


"Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito?!" mataray niyang tanong sa asawa. 


"Masama bang sundan ang asawa ko?!" galit niyang tugon. 


"Babes, nandyan ka pala? Kanina pa kitang hinahanap!" singit ni Kathrine. 


"Oh — Ayan na! Kanina ka pa pala na hinahanap, kung saan-saan ka kasi nagsusuot! Napagkamalan ka tuloy na nawawala!" Pang-aasar na pahayag ni Mariz. 


Nakaramdam naman ng inis si Ken, at hinila si Kathrine papasok ng kanilang kwarto. 


"Babes, kinakausap ko lang siya dahil sa mata ng mga tao ay siya ang aking asawa, mahirap bang intindihin iyon?" biglang paliwanag ni Ken. 


"Akala ko nahuhulog na ang loob mo sa asawa mo..." paawa-epek ni Kathrine. 


"Hinding-hindi mangyayari iyon babes, mahal na mahal kita," tugon ni Ken, at saka niyakap si Kathrine. 


Nangingiti si Kathrine, dahil nagtagumpay na naman siya sa kanyang pagpapanggap.


"Akala mo maiisahan mo akong babae ka! Konting lambing at arte, mapapasakin din ang lahat na mayroon ka!" banta ng isip ni Kathrine. 


Malungkot na tinungo ni Mariz, ang swimming pool na ganapan ng pictorial. Nakita niya na inayos na ni Red ang camera. Nagsimula na ang pictorial habang tinitingnan ni Mariz, ang bawat post ng mga model. 


Nang hindi inaasahan napatingin siya sa nakaupong mag-couple sa hindi kalayuan. Hiniram niya kay Red ang camera, nakita niya ang kanyang asawa na panay himas sa katawan ni Kathrine. Pakiramdam niya nag-iinit ang buo niyang katawan sa galit. Gusto niyang sugurin si Ken, pero pinigilan niya ang kanyang sarili. 


Alam naman niya na sa una pa lang ay mahal na mahal ng asawa niya ang nobya niya. Kapirasong papel lang ang hawak niya, samantalang si Kathrine ay buong puso at isip ni Ken ay sa kanya. Hindi niya namalayan ay natapos na ang pictorial dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Hanggang sa may nagsalita mula sa likuran niya. 


"Mariz, ihahatid ka na lang namin sa bahay ninyo," pahayag ni Nancy. 


Samantalang si Mike ay maagang umalis sa bahay, habang tulog pa si Melody, pupuntahan niya si Mariz, upang magpaliwanag. Gusto niyang ipaliwanag na napilitan lang siyang pakasalan si Melody, dahil buntis ito, nang minsan akitin siya at dahil sa karupukan at dala ng kalasingan ay nalimutan niyang may kasintahan siya. Kaya sa isang pagkakamali ay natali siya sa taong hindi niya mahal. 


Pero kailangan niyang panindigan ang kanyang responsibilidad sa bata dahil nabuntis niya si Melody. Nasa kasalukuyan siyang pag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone, pinindot at sinagot niya ang tawag. 


"Hello! Bakit ang aga mong umalis? Saan ka pupunta?" galit na tanong ni Melody. 


"Sa opisina!" maikling sagot ni Mike. 


Galit na galit na naman si Melody, dahil alam niyang kay Mariz ang punta ng asawa niya. Kanina, nagtutulog-tulugan lamang siya habang paalis ang kanyang asawa at lihim niya itong sinundan. 


"Melody, ano kaya ang gagawin ko? Hindi kita natutunan na mahalin. Kung pwede lang na maturuan ang puso ay wala na sanang problema. Pero si Mariz lang talaga ang nag-iisang laman ng isip at puso ko," bulong ng  isipan ni Mike.


Tobe Continue....

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Trend Stories