The Doctor Vampire Stalker Part 1Funtasy story
Part 1
Isang malamig na biyernes ng gabi ay naghahanda nang umuwi si Julia. Sa wakas, dahil natapos ang stressful na linggo na puno ng meeting at deadline ay makakapagpahinga na siya ng dalawang araw.
"Tara, Julia, gimik tayo tonight, weekend naman bukas," paanyaya ni Neri.
Dahil hindi naman siya palagala at alam niya kung saan patungo ang mga ito, tumanggi si Julia sa alok ng katrabaho.
"Pass muna ako, Neri alam mo namang taong bahay lang ako," banggit nya.
"Ilan taon ka na ba? Twenty-seven? Maaga kang malolosyang n'yan Julia. Enjoy while we are young, and besides hindi naman masamang lumabas paminsan-minsan," tugon naman sa kanya ni Neri.
Kung sa bagay ay may punto naman ito, siguro sa tanda niyang iyon ay mabibilang lang sa daliri ang pagkakataong nakapasok siya sa mga bar para mag saya. Hindi naman siya titigilan nito kaya hindi nagtagal ay pumayag na rin si Julia.
Sa isang mamahalin bar sila nag punta sa may Taguig medyo marami ng tao kaya agad sila nag tungo sa may bandang itaas, omorder naman ang isang kasama nila ng tikila at iba pang nakakalasing na inumin. Samantala na upo na sila Julia. Maya-maya lamang ay dumating na ang waiter, tumangi naman si Julia na tanging ice tee lang ang inorder habag patuloy naman siyang kinakatyawan ng mga kasama nito.
Ilang minuto pa ang lumipas ay lumapit muli ang waiter na may dalang inumin at nilapag ito sa tapat ni Julia.
"Lemon drop martini ma'm," wika ng waiter
"I'm sorry pero sa maling lamesa mo yata na ibigay, hindi ako ang omorder n'yan," sambit naman ni Julia, ngumiti lang ang waiter sabay nag salita.
"May nag papabigay lang po ma'm," saad naman ng waiter
"Wow, naman ang haba naman ng hair ng friend natin" bulalas naman ng Isang friend ni Julia. Ngunit ng ituro ng waiter kung sino ang nag pabigay ay likod nalamang ang kanilang nasilayan.
"Inferness likod palang yammy na, sana pag harap hindi shaka," wika ni Neri
Hindi naman siya nagpadala sa mga kantiyaw ng kanyang kaibigan tumanggi siyang inumin ito sa pag-iisip na baka hinaluan ito ng lason kong ano mang pampatulog, minabuti niyang isauli ito sa waiter pero pinigilan siya ng mga kaibigan.
"Wag sayang naman yan," sambit ng Isang kaibigani Julia. "Ano ka ba Julia normal lang yan na binibilhan ng ladies drinks sa bar. Lalo na kapag nagandahan sayo o gustong kuhanin ang number mo. Palibhasa kasi hindi ka madalas mag punta dito," wika ni Neri sa kaibigan si Julia
"Hindi naman ako ganun kadaling utuin basta hindi ko iinumin yan! Bahala kayo kung gusto niyo sa inyo na!" naka smid na mataray na sambit nito.
Lumipas ang ilang oras ng kwentuhan at sayawan nakalimutan na ni Julia yung tungkol sa nangyari kanina, matapos mag bayad ay nagpasya na silang umuwi, mga bandang alas dose e medya nayata iyon. Sa pagdating ni Julia sa kanyang bahay ay may, kakaiba siyang naramdaman na parang may nakasunod sa kanya.
"May tao ba jan?" Ilang minuto pa siyang nag antay bago tuluyan Binuksan ang gate. Mag-isa lang si Julia sa Maynila dahil nasa cebu ang kanyang pamilya.
Nang matapos si Julia maghilamos at magsipilyo, ay nagpalit na siya ng damit pantulog. Habang nagbibihis at nakaharap sa salamin ay isang malamig at malakas na hangin ang kanyang naramdaman na para bang may biglang dumaan. Agad niyang kinuha ang kamison at nagtungo sa banyo at doon na siya nagpalit ng damit.
Matagal na siya naninirahan sa bahay na iyon ngunit wala naman siyang nararamdaman na kakaiba kaya labis na lang ang pagtataka ni Julia sa nangyari kanina.
"Hindi kaya nilagyan ni Neri ng alak na ininom ko, kaya kung ano-ano na nasa isip ko? 'uhm, Hindi naman siguro?" wika n'ya sa kanyang sarili.
Bago mag pasiyang matulog si Julia ay siniguradong n'ya muna naka-lock ang mga pinto pati ang mga bintana bago siya humiga sa kama, hawak ang kanyang telepono habang nagpapaantok. Isa sa mga friend request niya ay isang nag-ngangalang Black Valentine tinignan niya ang profile nito ngunit naka private. Hanggang isang mensahe ang pinadala ng naturang user.
Black Valentine ones to send you a message accept or reject?
Hindi na siya nag aksaya ng panahon para basahin ang mensahe bagkus ay binura niya kagad ito. Nag patuloy siya sa pagbabasa ng mga ganap sa kanyang news feed hanggang dalawin na rin siya ng antok. Hindi na niya napigilan ang pagpikit habang hawak ang kanyang telepono.
Maya-maya pa, isang itim na usok ang bumalot sa buong kwarto ni Julia, ang usok ay naging mga paniki habang ang mga paniki ay nabuo bilang tao, isang matangkad na lalaki na may maputlang kulay ng balat matangos ang ilong at makapal ang kilay, pulang-pula ang mga mata nito, na nakapako lang ang paningin sa natutulog na dalaga. Lumapit ito kay Julia na mahimbing na natutulog. Malagkit ang titig ng lalaki sa bandang leeg ng dalaga, ibinuka nito ang kanyang bibig at lumabas ang matutulis nitong mga pangil.
"Uhm, Napaka bago nakakapanibago? Ngayon lang ako nakakita ng tulad mo," bulong nito sa natutulog na dalaga. Pero imbis na kagatin ito ng Bampira ay kinuha nito ang telepono ni Julia at binuksan ang kanyang Facebook. Walang kamalay-malay si Julia na magkaibigan na sila ni Black Valentines sa naturang social media, muli niya itong pinagmasdan mula ulo hanggang paa at tila sobrang namangha sa kagandahan ng dalaga. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanyang taglay na kagandahan na may maamong mukha at maninipis na labi.
"Aking Julia" wika nito na muling naglaho bilang itim na usok na lumulusot sa mga bintana at pinto para makalabas pasok. Sa isang iglap ay nasa isang magarang bahay na ito na animoy palasyo. Hinubad niya ang kanyang itim na polo at tumambad ang magandang hubog ng katawan nito, nag suot ito ng itim na rob at nagtungo sa Veranda, kong saan pinagsilbihan siya ng sariwang dugo ng isa sakanyang mga kasambahay. Lahat ng kanyang tauhan at mga kasama sa bahay ay kapwa niya bampira. Siya si Vladimir tatlong daan at pitumpu't walong taong gulang nagmula ito sa kaharian ng Regat, si Vladimir ay isa, sa mga matanda ng bampira na may mataas na katungkulan. Umiikot siya sa buong mundo. Nagmamatyag at nakikihalubilo sa mga mortal, bilang isang malakas na bampira ay may kakayahan itong maglakad sa ilalim ng araw maging invinsible. Triple ang lakas nito kumpara sa mga tao, may kakayahang bumasa ng isip at makarinig sa malayo, mabilis, maliksi, at ubod ng Talino.
Magtatatlong taon na siya sa pilipinas na sa parehong Bar siya kanina sa taguig, ng makita ang pagdating ng grupo nila Julia.
Nagtatrabaho si Vladimir bilang isang doktor sa isang ospital kung saan s'yadin ang may-ari.
Nang makita niya si Julia ay agad itong nabighani sa ganda ng dalaga kaya sinubukan nyang bilhan ito ng inumin. Agad siyang tumayo upang bumaba ng hindi tinanggap ni Julia ang inumin, nanatili itong nakamatyag sa dalaga buong oras hanggang sa makauwi ito.
Kinuha ni Vladimir ang kanyang telepono at tinignan ang profile ni Julia, twenty-seven years old at taga Pasig. Nandoon din ang mga litrato ng dalaga na labis namang ikinatuwa ng bampira.
"Sir Vladimir, pinapatawag po kayo ng Cousil sa Rigat," wika ng isa sa mga katulong ni Vladimir.
Nagtungo na si Vladimir sa kanyang silid aklatan. Kong saan ay hinawakan ang isang pigurin, sa isang iglap lang, ay bigla naman itong naglaho na parang bula.
Par 2
Narating ni Vladimir ang isang napakalaking palasyo sa Rega. Habang nag lalakad ito patungo sa council room, ay may sumunggab sa kanya mula sa likuran, mabilis naman niya itong hinawakan saka ibinalibag, paglapag sa sahig ng palasyo, ay kagad itong nagkapirapiraso, tiyaka nabuong muli.
"Wala ka parin talagang kupas Vladimir," wika ng isang lalaki, habang inaayos ang kanyang kwelyo, ito ay isaring bampira, kababata at matalik na kaibigan ni Vladimir. Kabilang ito sasamahan ng mga bampira na nagmamasid sa kilos ng mga mortal at nanatili itong natural.
Samantalang ang samahan nila Vladimir ay bukas sa pakikisalamuha, sa mga tao, layunin ng kanilang Coven na magkaroon ng maayos na samahan ang bampira at mga tao, at kapwa mamuhay ng matiwasay sa mundo.
"Kamusta kana Agustus, anong dahilan at bakit may biglang pagpupulong ang council?"
Hindi naman Nag salita si Agustus, hanggang marating nila ang kwarto ng council, kung saan nag sitayuan ang ibapang bampira, bilang tanda ng pag galang.
"Na gagalak kaming makita ka Vladimir," pagbati ng punong taga pamahalaan.
"Para saan ang pagpupulong.? Parang importante, dahil wala naman ito sa aking schedule," tanong niya.
Nabanggit ng pinuno ng council ang patungkol sa isa pang Coven, o grupo ng mga bampira, ito ay pinamumunuan ng kababata nila ni Augustus, na si Luisa, sila ang mga bampira, na naniniwalang mapanganib ang mga tao at kailangan maubos, ng saganon ay solo nila, mapag harian ang mundo.
Kasalukuyan pang nag sasalita ang pinuno, ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Luisa, kasama ang ilan sa kanyang grupo.
"Oh, bakit parang hindi ako nasabihan na may pagpupulong palang nagaganap," sarkastikong wika nito. Nagawi naman ng kanyang paningin kay Vladimir, na nakatingin at nakaabang sa kanyang posibleng gawin.
"Ha'h, syempre, nandito ang bida ng mga bampira na si Vladimir," mataray na sambit nito, dali-dali itong nawala, at lumitaw na lang satabi ng bampira. Hinawakan nito ang leeg ni Vladimir at hinimas ng bahagya. Tumayo si Vladimir na pasimpleng umiwas at saka bumati sa babaeng bampira.
"Nagagalak akong makita ka Luisa," kagad namang nag bawi ng tingin si Luisa ng titigan ito ni Vladimir habang inilahad nito ang kanyang kamay.
"Nandito na ba lahat?" tanong ng reyna ng mga bampira nasi Victoria. Si Victoria ay asawa ng namatay na hari na si Celestat, siya ang kasalukuyang namumuno sa kaharian ng Regat, ngunit hindi tulad ng kanyang asawa ay itinuturing siyang mahina, kumpara sa mga nakatatandang bampira.
"Oh, ngayong nandito karin lang Luisa, maupo kana," wika ni Vladimir kay Luisa.
Makinig kayong lahat.! Lahat kayo! na kumakatawan sa bawat Coven ng mga bampira, nais kong alamin kung ano ang inyong obserbasyon at konklusyon 'ukol, sa ating kaharian, at posibleng paglipat sa daigdig ng mga tao," malakas na sabi ng reyna. Tumayo si Vladimir at nagsalita.
"Ilang taon nakong na ninirahan sa kanilang daigdig at masasabi kong wala akong nakikitang panganib na hindi kayang solusyonan ng mga bampira," kagad namang tumutol si Luisa.
"Aba! Vladimir naka kalimutan muna yata? na mortal ang dahilan bakit namatay ang mahal na hari, masyado ka naman yatang tiwala sa mga mortal at ganyan ang iyong paniniwala."
"Naintindihan ko ang punto ng mag kabilang Koven mahal na reyna pero ang ating mundo ay masyadong maliit para sa ating lahat, kung mag kukulong na lang tayo dito ay hindi tayo uunlad gusto korin makita ang ganda ng mundo at mamuhay ng normal, mag ka pamilya," wika ng isa sa mga lider ng mutral na Coven.
Walang kung anu-ano ay sinugod ito ni Luisa at pinugutan ng ulo, labis na nabigla ang lahat sa kanyang ginawa, kahit si Vladimir ay hindi agad naka palag, dahil sabilis ng mga pangyayari. Sa galit ni Victoria ay inutusan nya ang mga pinuno ng mga bampira na ikulong si Luisa sa piitan, pag dudusahan nya ang kanyang ginawa ng dalawang daan taon.
Nang makita ang mga nangyari ay mabilis namang nakatakas ang mga kasamahan ni Luisa at nag tago sa mundo ng mga tao.
"Ano bang nangyayari sayo Luisa? hindi ka naman ganyan dati?" tanong nito.
"Atleast Hindi ako katulad niyo na mga traydor, na turingan bampira pero mga duwag, "pweh,! antayin mulang ako makalabas dito Vladimir sinusumpa ko uubusin ko ang lahat ng mortal sa mundo."
Samantala, kinabukasan ay nagising naman si Julia na hindi na maalala yung nangyari kagabi, kinuha niya ang kanyang cellphone at agad nag check ng kanyang social media.
"Aba, ayus 'to si Neri ah, naka post kagad yung pictures namin kagabi."
Pagkatapos ay tumayo na siya para mag luto ng almusal Binuksan niya ang TV habang nagtitimpla ng kape, matapos maluto ang hotdog ay umupo na siya sabay sawsaw ng tinapay sa kape, ng tumunog ang kanyang telepono.
"Good morning magandang binibini sana masarap ang tulog mo."
Biglang naalala ni Julia yong friend request mula kay Black Valentine, na hindi niya tinanggap kagabi, kagad siyang nagpunta sa profile nito at nakitang magkaibigan na nga sila. Buburahin na sana niya ito ng makitang mutual friend nila si Kyla. Si kyla ay classmate nila nung high school.
"Sino kaya yong Black Valentine nato at bakit siya in-add sa facebook," wika ni Julia sa sarili.
"Sino kaba magka kilala ba tayo?" messenge ni Julia rito.
"Masama na ba makipag kaibigan sabihin na nating nagandahan ako sayo, saka mukha ka namang mabait," tugong naman nito sa messenge ni Julia.
"Paano mo naman nasabi ng mukha akong mabait?" replay naman Julia dito.
Nabasa nito ang kanyang mensahe ngunit hindi na ito sumagot pa.
Tinignan ni Julia ang profile nito ngunit wala itong matinong litrato. Nagpasya siyang i-delet ito tiyaka nag patuloy sa pagkain. Dahil walang pasok ay maghapon siyang naglinis ng bahay, at kinahapunan nagpunta siya sa laundry shop sa mall dala ang kanyang maruruming damit, habang inaantay ang kanyang mga pinalabhan ay pumunta muna siya saglit sa grocery abala si Julia sa pamimili ng mga prutas, habang nasa likod na n'ya si Vladimir, na nakasuot ng puting v-neck na t-shirt.
Pagharap ni Julia ay hindi niya namalayan na natapakan niya ang bampira, tumama ang kanyang ulo sa dibdib nito, saka na asiwang na paatras at humingi ng paumanhin.
"Naku! pasensya ka na sorry hindi ko alam na may tao pala sa likod ko."
Tinignan lang siya ni Vladimir at pinulot ang tumapon na pongkan saka inilagay sa panibagong plastic.
"Heto, 'wag kang mag-alala hindi naman ako nasaktan," wika nito sabay abot sa kanyang plastic. Nag patuloy lang ito sa pagkuha ng prutas na parang walang nangyari, sa hiya ay umalis si Julia na hindi malaman ang kaba na nadarama, mabilis ang tibok ng kanyang puso.
Part 3
Inaamin n'ya napakabango nito at napaka lakas ng appeal ng lalaking yon idagdag mopa ang matangos nitong ilong at mapangang mukha namay maitim at makapal na kilay Nasisiguro niya sa tangkad at pisikal na kaanyuan nito, ay may halo iyong ibang lahi o 'di kaya foreigner ito na nakatira na sa Pilipinas.
Muli niya itong sinilip ngunit wala na ito sa pwesto nito kanina, nakatanggap na naman siya ng mensahe mula kay Black Valentine.
"Bakit mo naman ako dinelet Julia, ayaw mo ba akong maging kaibigan," pagkabasa ni Julia sa mensahe ay binura niya ito ang at pinatay ang kanyang data matapos mamili ay nagtungo siya sa isang coffee shop. Pagka-order, ay naupo sabay connect sa libreng wifi doon may tatlo pang mensahe ang kanyang natanggap ibla-black na sana niya ito ngunit, natigilan siya nang makita ang huli nitong mensahe.
"Marami akong kilala na pwedeng makatulong sayo, pwede mo silang bentahan ng gamot, 'diba medreg ka.?" Naglabas siya ng buntong hininga saka niya ito nireplyan.
"Bakit hindi ka kasi nag pakilala.? Paano mo naman ako matutulungan?" Maya-maya pa ay nag-reply ito. Nagbigay siya ng pangalan ng Isang doktor mula sa Jose Reyes hospital.
"Sabihin mo pinapapunta ka ni Black Valentine."
"Sigurado kaba? baka nanti-trip ka lang," reply naman ni Julia. Sinubukan niya itong tawagan ngunit nag-offline na ito, maya-maya pa ay halos maibuga nya kape ng makita yung lalaki kanina sa grocery at omorder ito at pagkatapos ay umupo sa tapat niya.
"Wow, grabe talagang magkatapat pa tayo," sambit nya kanyang sarili. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya kaya agad siyang nataranta saka kunwari may tinext sa telepono. "Hoy mag-reply ka naman."
Lingit sa kaalaman ni Julia ay ang kanyang kausap ay nasa kanya mismong harapan, napangiti na lang si Vladimir ng makitang natataranta ang dalaga. Ng dumating ang kanyang take out order ay agad siyang tumayo at muling nag panagpo ang mga mata nila ni Julia, ngumiti si Vladimir na talaga namang nagpa lusaw sa buong pag katao ng dalaga, matapos nun ay umalis na siya para magtungo sa ospital, wala namang nagawa si Julia, kong hindi habulin ng tingin yong lalaki. Nagkibit-balikat na lang siya dahil imposibleng magkita silang muli.
Habang nagmamaneho ay may galak namang nararamdaman sa kanyang puso si Vladimir, unang beses palang niyang nakita si Julia ay nahulog na siya sa dalaga porsigido siya makuha ang pag-ibig nito.
Sinalubong siya ng isang nurse ng makarating sa ospital si Vladimir.
"Doc may emergency po," dali-dali siyang nagpalit ng damit at nagtungo sa emergency room, isang lalaki ang nakahandusay sa kama at duguan, may ilan tama ito ng baril sa dibdib at tagiliran, nanlisik ang mga mata ni Vladimir at napapikit. Napaka bango ng amoy ng dugo para sa kanya, ngunit, pinigilan niya ang kanyang sarili.
"Dalin na agad sa operating room ngayon na," wika niya sa mga nurse. Matagumpay niyang naalis ang bala at nailigtas ang buhay ng lalaki ngunit nangangailangan ito ng masalinan ng dugo kaagad. Pagkatapos ng operasyon ay pasimpleng nagtago si Vladimir dinilaan niya ang bahid ng dugo samay gloves bago ito itapon.
Papunta na ang Nurse sa imbakan ng dugo ng pigilan ito ni Vladimir.
"Nurse akina yong chart ako na ang kukuha asikasuhin mo na lang yung pasyente." Kahit nagtataka ay agad namang tumalima yung Nurse.
Samantala nanginginig naman nagtungo sila ni Vladimir sa imbakan ng mga dugo patuloy niyang pinipigilan ang pagkauhaw habang nakakasalubong ang mga mortal na empleyado sa ospital ilang hakbang na lamang ay mararating na niya ang imbakan ng harangin siya ng isang intern na matagal nang nagpapapansin sa kanya.
"Hi, doc how's your day balita ko toxic daw sa emergency room," pilit namang tumayo ng tuwid ni Vladimir at kaswal na nagsalita.
"Sanayan lang yan doc Kyla mararanasan mo rin yan."
Classmate ni Julia si Kyla nung high school siya yung tinutukoy niya na mutual friend nila ni Black Valentine sa facebook.
"Ah, doc blood baka kung hindi ka busy maybe we can go for cup of coffee!" Nahihiya pang banggit ng dalaga napatingin ito kay Kyla, partikular na sa bandang leeg nito sya nakatingin. Lumapit siya ng bahagya ngunit napaatras din para tantanan siya ni Kyla at makaalis na rin ay napilitang pumayag ni Vladimir.
"Maybe later after duty. Sige na i have to go."
Hindi naman makapaniwala at sobrang kinilig si Kyla. Sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng pagkakataon makasama at makausap ito.Una n'yang nakilala si Vladimir bilang isa ito sa kanyang naging propesor sa medicina dati. Kaya masayang-masaya s'ya ng malamang doon din Nagtatrabaho si Vladimir sa ospital kung saan siya mag iintern. Sa wakas ay narating na ni Vladimir ang imbakan ng dugo pumasok siya sa loob at kumuha ng dalawang bag kabilang na yung sa pasyente.
Pagkatapos ay iniwan niya yung isang bag sa kanyang opisina at ibinigay naman ang isa pa sa nurse upang isalin sa pasente. Nagtungo siya sa kanyang opisina at kinuha ang kopita saka isinalin niya yung dugo.
"Ah!, napakasarap." Muli itong uminom ng biglang bumukas yung pinto kaya agad siyang tumayo pumasok ang isang lalaking pamilyar ang mukha.
"Agustus anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya rito, sinarado nito yung pinto saka umupo sa malambot na sofa.
"Tignan mo nga naman ang sarap maupo dito oh," kaysa sa mga upuan sa palasyo masakit sa'
"Agustus!" Naputol ang pag sasalita nito ng sumigaw na si Vladimir.
"Bakit ba hindi kaba natutuwang makita ako."
"Hindi naman sa ganoon, lubos lang ako nabigla, at napadalaw ka paano mo nalaman na nandito ako?"
"Nakalimutan mo na yata isarin akong bampira, baka pwede naman ako makahingi ng iyong iniinom."
"Narito, maupo ka natutuwa naman ako makita ka dito kaibigan."
Patuloy na nag kwentuhan ang dalawang bampira ng parehong nakaamoy ng paparating na mortal ang dalawa kaya naman agad naging invisible si Agustus, maya-maya lang ay may kumatok sa kanyang opisina.
Tumayo si Vladimir at binuksan yung pinto naroon ang dalagang doktora na si Kyla na kanina pa pala siya inaantay
"Hi, Doc Vlad, pasensya kana, nakaistorbo ba 'ko?"
"Hindi naman bakit doc Kyla may kalangan kaba?"
Napangiting umiling ang dalaga saka ito nag wika.
Doc naman, masyado pa kayong bata para mag ulyanen. Diba magkakape tayo."
Ng marinig ito ay natatawang sumilip si Agustus lumapit siya kay Kyla at sinipag ito ng mabuti saka tumingin kay Vladimir tanging ang bampira lang ang nakakakita sakanyang kaibigan kaya walang kaalam-alam si Kyla kahit medyo kinilabutan siya ng mga sandaling iyon.
"Ahh,! 'doc Vlad naniniwala kabang may multo daw dito sa ospital," takot na wika ni Kyla.
Pinigilan namang tumawa ni Vladimir kaya kinuha nito ang kanyang pitaka saka niyayang yung lumabas si Kyla bago mapagtripan ng malokong si Augustus.
Habang Nagkakape ay nagkaroon din ng pagkakataong makapag kwentuhan si Vladimir at si Kyla.
"Doc! bakit nga pala Black Valentine ang pangalan mo sa facebook dahil ba wala kang ka valentine's lagi?"
Hindi naman nakasagot ang doktor dahil sa totoo lang pinili niya ang black dahil paborito n'ya itong kulay Valentine naman dahil wala siyang maisip na idugtong na pangalan at siyempo namang napatingin siya sa Valentine's promo ng isang restaurant na nag-email sa kanya.
"Ha? wala lang yun Hindi naman kasi ako mahilig mag Facebook kaya hindi ko seneseryoso ang paggawa nun," palusot ni Valadimir habang kumakain ng donut.
Pinagtitinginan naman sila Kyla sa coffee shop marahil ay dahil napaka-gwapo ng kanyang kasama, habang kinikilig sa tabi si Kyla ay Bigla namang naisip ni Vladimir ang reaksyon ni Julia ng sundan niya sa mall kanina. Hindi n'ya maiwasan mapangiti saka mapailing.
"Um, bakit may nasabi ba akong nakakatawa doc?" tanong ni Kyla bakas Sa mukha nito ang pag tataka.
"Ha? Wala naman Sige na ubusin mo nayan kailangan ko narin umalis doc Kyla."
Matapos mag paalam at mahihatid ang dalaga sa kotsye nito ay lumitaw naman ang tatawa-tawang si Agustus. Patuloy lamang ito sa pang-aasar sa kanya ng mapatingin siya sa kanyang relo.
"Oh? Saan ka'naman pupunta bladimir!" Wala nang nagawa si Vladimir at agad na itong nagtungo sa bahay ni Julia, kabuntot niya ang kaibigang bampira ng pumasok sila sa kwarto ng natutulog na dalaga.
"Hanep! sino naman 'to Vlad? ang dami mong babae. Kaya asar na asar sayo si Luisa. hindi mo kasi siya pinapansin."
"Shush. . . Wag ka ngang maingay." Saway ni Vladimir kay Agustus ng bahagyang gumalaw si Julia. Umupo si Vladimir sa gilid nito, saka hinawi ang buhok ng dalaga na nakatakip sa kanyang mukha. Napakaamo at napakaganda ng binibining nasa kanyang harapan. Maya-maya pa ay tumayo ang bampira saka hinigit ang natanggal na kumot hanggang sa leeg ng dalaga.
"Matulog ka ng mahimbing mahal kong Julia," wika ni Vladimir, bago hinablot ang namamanghang si Agustus saka naglaho ang dalawa at napunta sa napakalaking bahay ni Vladimir.
Nagpaalam si Vladimir na maliligo lang saglit habang inasikaso naman ng ibang bampira ang kanilang panauhin na si Augustus. Matagal nang maraming babaeng bampira mula sa iba't-ibang Coven ang nagkakandarapa sa bampirang si Vladimir.
Bukod sa taglay nitong kagwapuhan ay napakalakas nitong bampira, ito rin ang napipisil na papalit ng council kay haring lestat noong siya ay nabubuhay pa.
Pero may respeto si Vladimir kay Victoria ay Iminungkahi niya na ito dapat ang mamuno sa kaharian kahit pa tutol ang karamihan dahil mahina ito kumpara sa ibang bampira. Mahigit isang daang taon na ang huli niyang nakitang nag mahal si Vladimir nung nabubuhay pa si Harriet.
Kinabukasan ay masarap ang naging tulog ni Julia, napanaginipan niya kasi yong lalaki na nakita niya sa grocery kahapon. Napakamot naman siya ng ulo saka bumangon para maghandang magsimba, isang mensahe mula kay Black Valentine ang kanyang binasa.
"Hindi ako mayaman para bilhin ang kahapon. Pero handa akong utangin ang ngayon makasama ka lang buong maghapon." Napangiti naman si Julia at bahagyang natawa, dahil medyo nakornihan siya sa mensahe.
Matapos ang simba ay nagpunta siya sa mall upang bumili ng sapatos, medyo nakanga-nga nakasi yung swelas at humihingi ng saklolo. Muli siyang sinundan ni Vladimir pero sa pagkakataong ito ay hindi pa rin siya nilubayan ni Agustus.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito Vladimir napakaraming tao." Agad namang napalingon si Julia ng makita ang isa pang magandang pares ng sapatos, kaagad na umalis Vladimir dahil muntikan na silang mahuli.
"Teka? Hindi ba s'ya yung lalaki sa may grocery!" Tinang ka n'ya itong sundan pero mabilis itong nawala. Dahil hindi sigurado, inakala niya na baka guni-guni lamang niya iyon.
Samantala patuloy ang pambibiktima ng mga Coven ni Louisa na katakas at nakapagtago sa mundo ng mga tao.
Sa isang liblib na iskinita may isang lalaki ang lubos na nabighani sa babae na kita tinawag ito ng ng babae.
"Hi... Gusto mo mag saya tayo akong bahala sayo pogi papaligayahin kita," malanding wika ng babae sa nakasalubong na lalake. Isa itong babaeng bampira tauhan ito ni Luisa na nag tatago sa mundo ng mga tao.
Hindi naman makapaniwa ang lalake. Dahil isang magandang babae na ang nagyaya sa kanya makipag siping agad naman tumayo ang manoy lalake ng hawakan ito ng bampirang babae kaya naman agad itong isinama ng lalake sa hotel.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento