Seven Princess
Simula
Raviro
Minulat niya ang kanyang mga mata at nasilaw siya sa liwanag na nanggagaling mula sa malaking bintana na gawa sa salamin. Bumangon siya at kinapa ang sarili, nakasuot siya ng puting komportableng bestida at nakatakip sa kanya ang isang puting kumot. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid. Puro puti, ang mga pader ay puti, kahit ang mga kagamitan.
Nasaan siya? Hindi siya pamilyar sa lugar. Hinawakan niya ang kanyang ulo. May benda iyon at napadaing siya nang madiinan ang pagkakahawak. Bumaba siya sa kama at lumapit sa isang pinto. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang banyo. Tinungo niya ang salamin at nagulat ng makita ang kanyang itsura.
Puro sugat at pasa ang kanyang mukha. May bakas na rin ng dugo ang benda sa may bandang noo niya. Pati ang mga braso at binti niya ay may mga sugat at pasa rin. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit ganito ang itsura niya?
Napahawak siya sa dibdib niya nang makarinig ng ingay mula sa labas. Bumalik siya sa kwarto at saktong pagbukas ng pinto ay ang pag-upo niya sa kama.
Ngumiti sa kanya ang babaeng hindi pamilyar sa kanya. Nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha. Lumapit sa kanya ang babae, may mga dala itong gamot na para siguro sa mga sugat niya.
"How are you? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ng babae na napagtanto niya na isa pa lang nurse.
Pinagmasdan niya muna ito ng ilang segundo bago dahan-dahang umiling. Ngumiti ang nurse sa kanya at sinimulan ng linisan ang mga sugat niya. Tahimik lang siya habang pinapanood ang nurse. Maya-maya pa ay inabot nito sa kanya ang isang basong tubig at tatlong tableta ng gamot.
"Drink that para bumilis ang paghilom ng mga sugat mo. Para na rin hindi na madalas ang pagdurugo ng mga malalim mong sugat," sabi nito.
Sinunod niya ang gusto nito. Tinulungan din siya nitong palitan ang kanyang damit. Mas maayos kaysa sa huli.
"May darating kang bisita mamaya. Noong unang pinuntahan ka niya rito ay wala ka pang malay. Alam mo bang buong gabi lang siyang nasa tabi mo? Parang hinihintay na magising ka. Tinanong ko kung kaano-ano ka niya, ngumiti lang siya at hindi ako sinagot. Siya rin ang nagbabayad ng mga bill mo rito sa ospital," sabi nito.
Ospital? Nasa ospital siya? At sino naman kaya ang taong iyon? At bakit nasa ospital siya? Anong nangyari sa kanya?
Sinubukan niyang mag-isip pero sumakit lang nang sobra ang kanyang ulo. Teka?! Naguguluhan siya!
"Bakit ako nasa ospital?" tanong niya.
"Pasensya ka na, hindi ko pwedeng sagutin ang mga tanong mo. Iyon ang bilin ng doktor. Aalis na ako. Tatawagin na lang kita kapag nandyan na ang bisita mo," sagot ng nurse bago lumabas ng kwarto.
Napahawak siya sa kanyang sentido. Sobrang makirot ang bahaging iyon kaya napagdesisyonan niyang humiga sa kama at bago niya namalayan ay nakatulog na pala siya.
Nagising siyang muli dahil sa mga munting haplos sa kanyang pisngi. Naidilat niya ng malaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang lalake na nakangiti sa kanya.
Kinabahan siya? Sino ang lalakeng ito?
Napansin ng lalake ang pagkataranta niya kaya naman hinawakan nito ang nanginginig niyang mga kamay.
"It's okay. You can trust me. I will not hurt you, not a chance. Calm down, please," sabi nito.
Ang init ng mga kamay nito at ang malambot na pagtitig ng lalake ang nagpakalma sa kanya. Sa mga simpleng salita nito ay nakuha na kaagad ng lalake ang kanyang loob.
"Alright, you can trust me. Don't worry, I'm here to take care of you. May masakit ba sa iyo?" tanong ng lalake.
Nakatitig lang siya sa lalake at yumakap sa puso niya ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag o mapangalan. Napapikit siya ng haplusin ng nito ang kanyang pisngi. Doon pa lang niya naramdaman na may luha pa lang pumatak mula sa kanyang mga mata. Bakit siya umiiyak?
"It's okay. Are you scared of me? Natakot ba kita? Gusto mo bang umalis na ako?" Puno ng pag-aalala ang boses nito.
Hindi niya alam kung bakit mas lalo pa siyang naiyak. Hindi naman niya kilala ang lalake, hindi niya rin alam kung anong kaugnayan niya rito at bakit nasasaktan siya.
"I'm so sorry. Please, don't cry. Aalis na lang ako. Hindi na dapat talaga ako nagpunta," bulong nito sa huling pangungusap.
Akmang aalis na ito nang hawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ng lalake. Yumuko siya at pinagsiklop ang kanilang kamay.
"You want me to stay?" tanong lalake at mas lalong lumapit sa kanya.
Tumango siya. Mas lalong bumuhos ang luha niya.
"Why are you crying, then?"
Hindi niya rin alam.
"I don't know," napapaos niyang sabi.
Hinawakan ng lalake ang baba niya at inangat ang kanyang tingin. Nagsalubong ang mga mata nila at may nakita siyang kakaibang emosyon sa mga mata ng binata. Malakas ang pintig ng puso niya at sobrang pamilyar ng mga kayumanggi nitong mga mata. Parang sanay siya na lagi itong nakatingin sa mga mata niya.
"It's been a long time since you let me hold you this close. I missed you so much, I thought I already lost you for real. I'm so glad you are already here. Akala ko hindi na ulit kita makikita. You scared me," sabi nito at hinalikan ang noo niya.
Niyakap siya nito ng may pag-iingat. Gusto niya ang init ng mga yakap nito, para bang nasa ligtas siyang lugar sa mga bisig nito.
"I'm sorry kung natagalan ako, hindi dapat ako sumuko kaagad. Naaalala mo pa sana ako ngayon," bulong nito.
Sino nga ba ang lalakeng ito?
Tatanungin na sana niya ang lalake ng bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto ang tatlong lalake na napakapormal ng suot. Yumuko ang mga ito sa binata.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pintuhan ang mga lalake. Nakita niyang inabot ng mga ito sa lalake ang mga pagkain. Kaagad na nagwala ang tiyan niya. Nagugutom siya!
"I bet you are hungry. Buti na lang at pinayagan ka na ng doktor na kumain ng mga pagkaing galing sa labas ng ospital. Here." Inabot nito sa kanya ang kutsara at tinidor.
Natakam siya sa mga pagkaing nakahain sa harap niya. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang tikman.
"These foods are all on your preference. You can eat all of them, they are all for you."
Nawala ang mga natitirang hiya sa katawan niya at mabilis na tinikman lahat ng pagkain. Masasarap lahat...
Pinapanood lang siya ng lalake habang magana siyang kumakain. Napahinto siya at napatingin rito.
"Hindi mo ba ako sasamahang kumain?" nahihiya niyang tanong.
Bakit ngayon niya lang naisipan na yayain ito?
"I thought you will never ask. Kuntento na akong pinapanood ka pero kung mas gaganahan kang kumain nang may kasabay, sige." Kumuha na rin ito ng kubyertos at sinamahan siyang kumain.
Wala sa sariling napangiti siya. Napaiwas siya bigla ng tingin nang mapatingin ang lalake sa kanya. Nag-init ang pisngi niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tinuloy na lang ang pagkain.
Busog na busog siya nang matapos sila. Nginitian siya ng lalake kaya naman napaiwas siya ng tingin. Kanina lang ay hindi naman siya apektado sa mga tingin nito pero bakit ngayon ay naiilang na siya?
"Gusto mo na bang bumalik sa kama?" tanong nito na halos nagpatalon sa kanya sa gulat.
Tumango siya at nanatili siyang nakayuko.
"May problema ba? M-May masakit ba sa iyo?" tanong nito at dahan-dahang lumapit sa kanya.
Lalong lumakas ang pintig ng puso niya at amoy na naman niya ang mabango nitong amoy. Mabilis siyang tumayo at kahit nahihilo ay diretso niyang tinungo ang banyo at mabilis na ni-lock ang pinto.
Sumandal siya sa nakasaradong pinto at hinawakan ang dibdib. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit napakalaki naman yata ng epekto sa kanya ng lalakeng iyon?
Halos mapatalon siya nang kumatok ito sa pinto. Sunod-sunod iyon at nataranta siya. Baka masira ang pinto!
"Kyra! What's happening? Are you alright? Please, open the door!" sigaw nito habang hinahampas ng malakas ang pinto.
Kyra?
Siya ba si Kyra? Kyra ba ang pangalan niya?
Eh, bakit kahit pangalan man lang niya ay hindi niya maalala?
"Kyra?! Open the door now!"
Napahawak siya sa kanyang ulo nang kumirot iyon ng sobra. Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay ano mang oras kaya binuksan niya na ang pinto. Kaagad naman siyang dinaluhan ng lalake na halatang alalang-alala sa kanya.
Nang mapansin nito na hindi siya makatayo ng maayos ay binuhat na siya nito papunta sa kama. Napapikit siya nang lumapat ang kanyang likod sa malambot na kutson.
"Kyra, answer me. Are you alright? Anong nararamdaman mo?" tanong ng lalake habang hinahaplos ang kanyang pisngi.
Pumikit siya sandali at may alalang nagbalik sa kanya. Pitong lalake at mga bata...
"Kyra? What is happening? Open your eyes."
Dinilat niya ang mga mata niya at bumungad sa kanya ang mukha ng lalake na may mga luha sa mata.
Bakit ito umiiyak? Bakit ganito na lang ito mag-alala sa kanya? Anong kaugnayan nila ng lalake?
"Who are you?" mahina niyang tanong.
"Kyra..." Umiling ito.
"Sino ka? Bakit hindi kita maalala? Bakit wala akong alaala?" tanong niya ulit.
Umiling ulit ang lalake. "Don't stress yourself or you will faint again."
Again?
Ilang beses na ba?
"Please," pagmamakaawa niya.
"No, I can't risk you again. Ang huling beses na sinubukan kong sabihin ang pangalan ko sa iyo ay nawalan ka ng malay at hindi nagising sa loob ng dalawang araw."
Nagulat siya sa sinabi ng lalake pero hindi naman pwedeng hindi niya alam ang pangalan nito. Ano na lang ang itatawag niya rito? Mukhang magiging madalas pa naman ang pagkikita nila.
"Don't tell me your real name then. What should I call you?" Ngumiti siya para kumalma ang lalake.
Ngumiti na rin ang lalake at sandaling nag-isip. "You can call Rav for now."
Rav?
"Okay. Rav..."
Napapikit siya nang halikan siya nito sa noo. Bumaba pa ang mga labi nito sa kanyang ilong, nahigit niya ang kanyang hininga ng matagpuan nito ang kanya labi.
Sa una ay nakalapat lang ng bahagya ang mga labi nito sa kanya, parang pinakikiramdaman kung ano ang magiging reaksyon niya. Nang tumagal ay dahan-dahan na itong gumagalaw at kalauna'y nasakop na ng mga labi ng binata ang kanya.
How can she miss this lips kung hindi pa naman sila naghahalikan?
Hindi nga ba?
O hindi niya lang maalala?
Ilang beses na bang naglapat ang mga labi nila at tila napakapamilyar ng pakiramdam ng mga halik nito?
Ilang segundo ring nagtagal bago lumayo sa kanya si Rav. Napabangon naman siya at napahawak sa labi.
"I'm sorry. I just miss you so bad. Hindi ko dapat iyon ginawa, hindi dapat kita hinalikan. I'm so stupid!" Napasabunot ito sa sariling buhok.
"It's okay. I'm alright. You lips were so familiar to me," sabi niya.
Natigilan ang binata at seryoso siyang tinignan.
"Pwedeng halikan mo ako ulit?" tanong niya na nagpalaki sa mga mata nito.
Sa sobrang pamilyar ng mga halik na iyon ay pakiramdaman niya ay may mga magbabalik na alaala sa kanya.
"Are you sure?" seryosong tanong nito.
Tumango siya.
Lalapitan na sana siya nito nang bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na nag-asikaso sa kanya kanina. Yumuko ito kay Rav, nahagip ng mga mata niya ang pag-iling ng binata.
Tumango naman ang nurse at nilapitan siya. Pinainom lang siya nito ng mga gamot at nagtanong kung maayos na ba ang pakiramdam niya. Buong oras na nandoon ang nurse ay nakatitig lang sa kanya si Rav. Naiilang siya.
"Okay, bukas na ulit kita pupuntahan dito. Iiwan ko na lang ang mga gamot na kailangan mong inumin mamaya. Sige, maiwan ko na kayo," sabi ng nurse.
Tumingin muna ito kay Rav bago nakayukong lumabas ng kwarto. Sinara ng binata ang pinto at ni-lock iyon.
Nang humarap ito sa kanya ay nakangisi na ito. Mabilis itong lumapit sa kanya kaya naman bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya.
"Why do you want me to kiss you again?" tanong nito at mas nilapit ang sarili sa kanya.
Parang sasabog na ang puso niya at hindi rin siya makasagot sa tanong nito. Mas lalo pa siyang nawala sa sarili nang maamoy ang bango nito.
"I love you," mahinang sabi nito bago siilin ng halik ang kanyang labi.
I love you? Ano?
Hindi na siya makapag-isip ng tama dahil sa malalim na halik sa kanya ng lalake. Napahawak siya sa mga pisngi nito. Hindi niya na malaman kung tama bang pinayagan niyang halikan siya ulit nito.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay pareho silang hingal. Sinandal ng binata ang noo nito sa kanya.
"I love you, Kyra."
Hinaplos niya ang balikat ng binata at napangiti.
"Raviro," sambit niya ang inaakala niyang totoong pangalan ng binata.
Kabanata 1
Everything
Raviro...
'Yun pala ang pangalan niya. Halatang nagulat siya nang banggitin ko iyon.
"Raviro... ang pangalan mo, hindi ba?" alangan kong tanong.
Nilayo niya ang sarili sa akin. Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago umiling.
Ha?
Hindi siya si Raviro? Sino Raviro?
"P-Pasensya na, akala ko kasi ikaw iyon. Baka isang tao lang sa ala-ala ko. Pasensya na talaga," sabi ko at sinubukan siyang abutin.
Bumuntong-hininga siya at malungkot na ngumiti. "Ayos lang." Nag-iwas siya ng tingin.
"Sino si Raviro?" wala sa sariling tanong ko.
Napatingin ako sa kanya at sandali kong nakita ang malungkot na emosyon sa kanyang mga mata.
"Hindi ko alam, Kyra. You never told me about that man," sabi niya.
Nanginig ako at biglang nakaramdam ng pagkainis sa sarili. Bakit ko binanggit ang pangalan ng lalakeng iyon sa harap mismo ng lalakeng... Saglit akong napaisip.
Ano nga ba kami ng lalakeng ito?
"Kung hindi mo mamasamain, kaano-ano kita? Sino ka?" tanong ko kahit pa malakas ang tibok ng puso ko.
"It's not important for now, but I'm telling you that you can trust me. I will be here as long as you need me." Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.
Trust him? Madali bang pagkatiwalaan ang isang taong hindi man lang masabi sa iyo ang buong pangalan niya?
Pero bakit? Bakit iba naman ang nararamdaman ko? Bakit wala akong kahit anong pagdududa sa kanya?
"I will take care of you from now on. You don't let me do that for the past days. Palagi mo akong tinataboy. You won't let me touch you. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Kyra." Ngumiti siya.
Natigilan ako. Ang ngiting iyon ay napakapamilyar sa akin. Gusto kong maalala kung sino ang lalakeng ito pero paano? He never let me.
"Kyra? Kyra ang pangalan ko?" tanong ko kahit naman na alam ko ang sagot.
Tumango siya. "Kyra Suarez."
Suarez?
Ngumiti ako. Bakit kaya napunta ako sa ganitong sitwasyon?
"Bakit wala akong maalala? Kahit pangalan ko? Kahit ikaw lang sana?" Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya dahil pakiramdam ko ay aalis na naman siya para iwasan ang tanong ko.
Alam kong alam niya ang ginagawa ko ngayon dahil nakita ko ang takot sa mga mata niya. Takot saan? Takot sa kung anong mangyayari sa akin kapag nakaalala ako? O takot sa kung anong pwede kong maalala?
"You are not answering me, are you? Bakit parang takot ka?" lakas-loob na tanong ko na halatang ikinagulat niya.
"Kyra, of course I am afraid. Natatakot ako na may mangyari sa iyo kapag may naalala ka na naman. Please, stop asking such questions until you recover from your head trauma," he said.
Oo nga, bakit naman siya matatakot sa mga maaalala ko? If his concern for me is real and pure, he will never be afraid if I remember something in my past unless he is faking his care.
"You need to rest, my love." Tinulungan niya akong makahiga sa kama.
My love?
"Who are you? Why are you calling me your love?"
Mamamatay ako sa sobrang pag-iisip.
"Because I love you," he answered.
"Did I love you back?" My heart is pounding so fast.
"You said you love me. I am not very sure now since..." He paused.
I raised my eyebrow. Bakit siya natigilan? I love him, he said that I love him, I told him that, but he is not sure if it is true. Why?
"Since? What happened to us?" I curiously ask.
He smiled. "Since now because you don't remember me. Not a piece of our moments together stayed in your mind. Parang nagsimula ulit tayo sa umpisa."
Somehow, I felt safe. Wala akong nararamdamang panganib sa kanya, kahit pa alam kong hindi rin siya nagsasabi ng totoo sa akin ngayon. Pakiramdam ko ay pinoprotektahan niya ako. His smile gave me an assurance sa kung ano mang pangamba sa puso ko.
"I will take care of you. I will protect you. I promise that until you finally recover from this."
His words even making me feel good. Who are you really, Rav?
Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa mga munti niyang paghaplos sa aking buhok. Nagising lang dahil sa isang masamang panaginip. Tagaktak ang pawis sa aking noo at mabilis rin ang tibok ng puso ko.
Wala akong kasama sa loob ng kwarto kaya mas lalong sumibol ang takot ko. Parang totoo ang panaginip na iyon. Sana hindi iyon nangyari o mangyari.
"Are you alright?"
Napatingin ako kay Rav na kakapasok lang sa loob ng kwarto at nakakunot ang noo. Mabilis siyang lumapit sa akin nang mapansin ang panginginig at paghabol ko ng hininga.
"What happened? Are you okay?" tanong niya at kumuha ng tubig.
"I just had a bad dream," sagot ko.
"Huwag kang mag-alala, panaginip lang iyon. Hindi iyon totoo o magkakatotoo. Dapat pala hindi na kita iniwan." Inabot niya sa akin ang basong may lamang tubig.
"But it felt so real," mahinang sabi ko.
I just tried to kill you on that dream.
No, hindi ko iyon magagawa. Kagaya nga ng sabi niya, mahal ko siya. Bakit ko iyon magagawa?
"Sleep again. Hindi na ako aalis. I will stay here until you wake up. It is still dark outside." He fixed my comforter then kissed my forehead.
"Can you lie beside me?"
Nagulat siya sa tanong ko pero ngumiti rin pagkatapos. Umusog ako nang kaunti para makahiga siya sa tabi ko.
He is so handsome. Ang mga mata niya ay kulay kayumanggi at ang kanyang manipis na labi ay mapula na parang sa mansanas. Nakaharap kami sa isa't isa at nakasalo sa iisang kumot. Ang braso niya ay nakapalupot na sa aking bewang at hinihila ako papalapit sa katawan niya.
"Your too close." Pinigilan ko ang aking hininga dahil kakagising ko lang samantalang siya ay ang bango-bango. Nakakahiya!
"I want to be this close to you. Please, let me." He kissed the tip of my nose.
Sa bilis ng pintig ng puso ko ay hindi ko alam kung makakatulog pa ako. Pinagmasdan ko siya, nakapikit ang mga mata niya at kitang-kita ko kung gaano kakapal at kahaba ang mga pilikmata niya sobrang bagay sa mapupungay niyang mga mata. May bakas ng ngiti sa kanyang mga labi, para bang masaya siya na magkasama kami ng ganito.
Sumiksik ako sa kanyang dibdib at hinayaan ang sarili na makatulog muli. Hindi ko alam kung anong oras na iyon pero nagising ako nang tirik na tirik na ang araw sa labas.
Luminga ako sa paligid at muntik pa akong mapasigaw nang makita ko si Rav sa tabi ko na mahimbing pa rin ang tulog. Oo nga pala...
Nakaunan na ako sa kanyang braso at magkadikit na ang mga binti namin. Nag-init ang pisngi at naisip ko na konting galaw ko lang ay magigising siya. Sobrang nakakahiya kung maabutan niya na ganito ang posisyon namin.
Bumukas ang pinto ng kwarto. Napapikit ako at nagpanggap na tulog. Hindi ko yata kayang may makikita sa amin nang ganito.
"Tulog naman," rinig kong sabi ng isang lalake.
Lalake?!
"Tenemos que despertarlos. Trajimos algo de desayuno, (We need to wake them up. We brought some breakfast)," sabi pa ng isa.
Spanish language. Mabuti at naiintindihan ko sila.
"Ikaw na ang gumising. Ang sweet naman nila," mahinang sabi ng naunang nagsalita.
Gumalaw si Rav at alam kong gising na siya. Nagkunwari pa rin akong tulog habang dahan-dahan siyang umaalis sa tabi ko.
"Gracias a Dios, estás despierto. Pensamos que te veremos abrazando a tu novia toda la mañana. Trajimos algo de desayuno. (Thank God, you are awake. We thought we are just going to watch you cuddling your girlfriend the whole morning. We brought some breakfast.)"
"Can you please lower down your voice. She's still sleeping," sabi ni Rav.
"Bueno (good), aalis na kami. Adios, hermano! (Goodbye, older brother!)"
Hermano?!
May mga kapatid siya?
Dinilat ko ang mga mata ko. Hinahanda ni Rav ang mga pagkaing dala ng kanyang mga kapatid sa bilog na lamesa malapit sa bintana. Hindi ako gumalaw para hindi niya mapansin na gising na ako.
Girlfriend. Totoo bang nobya niya ako? Kaya ba ganito siya kung alagaan ako?
Bumangon ako at kunwaring naghikab. Naagaw ko kaagad ang atensyon niya kaya naman lumapit siya para batiin ako.
"Buenos dià s, mi amór. (Good morning, my love.)"
"B-Buenos dià s," bati ko pabalik.
"Halika na, kumain na tayo." Inalalayan niya akong makababa sa kama para makapunta sa hinanda niyang lamesa.
"Ako na," sabi ko nang akma niyang lalagyan ng pagkain ang plato ko.
"Kyra-"
"Kaya ko naman, huwag mo na akong alalahanin. Kumain ka na rin," sabi ko.
Bumuga siya ng hangin. "Let me serve you just this time. Hayaan mong ako naman ang gumawa nito sa iyo. Hindi ko nagawang pasalamatan ka noon dahil sa mga nangyari."
Mas lalo na akong naguguluhan pero ayoko nang magtanong dahil hindi rin naman niya ako sasagutin.
"Dahil ilang araw na rin namang wala ang IV mo, pwede ka ng maligo," sabi ng nurse.
"Salamat," sabi ko pagkatapos niya akong tulungang maligo at magbihis.
Wala si Rav sa loob ng kwarto kaya malaya akong nakapagpalit ng damit. Ang sabi ng nurse ay si Rav daw mismo ang pumili at bumili ng mga damit ko. Paano naman niya kaya nalaman ang size ko? Lalo na sa mga underwear?
"You want to go outside?" tanong ni Rav nang makita akong maayos na.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nahihiyang tumango. Hindi ko naman alam kung nasaan ako at wala rin akong kahit anong ideya kung ano ang madadatnan ko sa labas. Pero dahil kay Rav, masyado akong na-excite.
"Do you want me to get you a wheelchair? tanong niya bago kami lumabas ng kwarto.
Umiling ako at ngumiti. "Hindi na, kaya kong maglakad. 'Tsaka hawak mo naman ang kamay ko."
"Hindi kita bibitiwan kahit anong mangyari. Just hold my hand," sabi niya.
Hindi ko alam pero bakit parang may iba pang kahulugan ang mga sinasabi niya? There's a hint of sadness in his eyes after he said that words.
"Rav, may problema ba tayo? May kailangan ba akong ipag-alala? Ayos lang ba tayo?" tanong ko habang naglalakad kami sa mahaba at tahimik na pasilyo.
Parang hindi ospital ang buong paligid, sa sobrang tahimik ay parang kami lang ang tao.
"B-Bakit mo naman naitanong?"
Tumingin ako sa kanya. "Pakiramdam ko kasi malungkot ka at maraming iniisip. Hindi ba tayo okay bago ako nawalan ng alaala?"
Napatitig siya sa akin at pagkatapos ay umiling. "Maayos tayo, Kyra. Ang pagkawala lang ng mga alaala mo ang pangamba ko. Wala kang dapat ipag-alala."
"Hindi ba ako masyadong nakakaabala na sa iyo. ‘Yung mga gastusin dito sa ospital, yung oras mo na nasasayang dahil inaalagaan mo ako-"
He cut my words. "Kyra, please. You will never be a bother to me. Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw, mawawala pa sa akin. I already lost my mother and I promised to myself that if ever I will be in love with someone, I will protect and treasure her. Hindi ko iyon nagawa sa aking mama," sabi niya at nag-iwas ng tingin.
"I'm... I'm sorry, Rav. Sorry for doubting you. L-Let's go outside." I held his hand tightly, giving him an assurance that I, too, never let him go. Kung ano man ang bumabagabag sa akin ngayon ay isasantabi ko muna iyon. I want to be with this gentleman. I want to feel every moment with him.
No wonder why I fell in love with him.
"Wow," I said in amusement.
So, this hospital was on top of a small hill. Kaya pala tahimik.
"Where are we, Rav?" tanong ko habang inaayos ang buhok ko na tinatangay ng hangin.
He chuckled then helped me to tie my hair up. He hugged me from behind, his warm enveloped my whole body, protecting me from the cold wind.
"We are in Gavilla, one of the Duchies of Cordancia," he answered.
Tumango ako at nilibot ng tingin ang kulay berdeng paligid.
"Ang ganda rito. If I own that place," I pointed the peak of the highest hill, "I will build a resthouse over there."
Tumawa si Rav kaya nilingon ko siya.
"May mali ba sa sinabi ko?" tanong ko.
Umiling siya. "You said the exact words a year ago."
Kumunot ang noo ko.
"You want a resthouse over there? Then your wish is my command," sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"What? Ano ka? Isang genie na may magic? You can't do that." I laughed.
"Try me, watch me build your resthouse." Ngumisi siya.
"Huy, nagbibiro lang naman ako. Kung sinsabi mo lang yan dahil gusto mo lang akong pagbigyan, 'wag na. Baka mahirapan ka pang bilhin ang lugar na iyon tsaka itayo yung resthouse," sabi ko at yumuko.
Hinawakan niya ang bewang ko at inihirap sa kanya ang buong katawan ko.
"Kyra, listen to me," he said. Hinawakan niya ang baba ko para maitaas ang tingin ko. "I will do everything for you, kahit pa kapalit ay isusuko ko ang lahat ng meron ako."


Mga Komento
Mag-post ng isang Komento